CHAPTER 3 - FIRST DAY

19 1 16
                                    


Steph's Point of View

"Thank God!" Yan na lang ang pumasok sa isip ko matapos ng pagkahaba-habang speech ng dean namen.

Halos lahat ng estudyante nabuhayan ng loob nang matapos ang talumpati niya. Kaunti na lang Novel na ata 'yon.

Pero anyways, dahil nga first day namin ay nag-abala agad kaming tatlo kakahanap sa kung ano ang room na papasukan namen.

At dahil rin nga mga dakilang shunga kami, ay di namin alam na meron na palang schedule na nakalagay sa mga Student Bio naming tatlo.

Swerte naman at ang unang room na papasukan namin ay magkakasama kaming tatlo.
Nagmadali agad kami dahil wala na kami masyadong nakikitang estudyanteng pagala gala dahil halos lahat na sila ay nasa kanya kanyang room na.

"Room 742 (History Class)" Pabulong na sabi ni Angel habang naglalakad kaming tatlo sa hallway ng university.

Linga kami ng linga kakahanap sa room na nakasaad sa bio namen. Hanggang sa tuluyan na nga naming mahanap ito.
Pagpasok namen ay swerte muling wala pang proffesor o teacher na nasa loob.

Nakita naming may pitong bakanteng upuan sa likod kaya inakupahan namin ang tatlo sa mga ito.

Pagka-upo namen ay wala namang imik ang iba. Damang dama mo talaga ang First Day of School.
Dahil yung iba naka-earphones lang, yung iba natutulog sa mga desk nila at meron ding mga busy kakadutdot sa mga cellphones nila.

Maya-maya nagising ang diwa ng lahat at umayos ng upo ang karamihan ng dumating na ang propesor ng klaseng iyon.

"Good Morning Class!" Bungad nito.

"Pero before you stand and greet me, let me intoduce myself first." Sambit nito ng akmang tatayo lahat ng estudyante.

" Okay so anyways , I will be your history teaher for this whole school year. My name is Christian Melvarro but you can call me Sr.Chris , Mr. Chris ,Prof. Chris o kahit pa Mamshie Chris!" Pabirong pagtapos nito sa kanyang pagpapakilala na bahagyang ikinatawa ng buong room.

Sa porma palang ng pagsasalita ni Sr.Chris ay malalaman mo ng hindi siya straight. Sa boses palang kasi matatawa ka na.

Kaya naman masaya kaming tatlo na siya ang bumungad sa first day namin dito sa unibersidad na ito.

"Since kilala niyo na ako, I hope na soon ay magka-close ang bawat isa sa'tin sa classroom na ito. Ayoko kasi ng ilangan sa loob ng klase ko, gusto ko lahat magkakasundo. Hindi ako masungit na prof, hindi rin ako nangangain ng estudyante, we can be friends if you want pero dapat naroroon pa rin respeto na'tin sa isa't isa.  Understood?"

"Opo,sir." Matamlay na tugon ng buong klase.

"Ano ba yan.. Mga bata, gusto niyo bang makita si JOLLIBEE?" Biro muli niya na ikinatawa ng buong klase.

"Ang tamlay niyo kase e parang di pa kayo nag-aalmusal. Again, I want a louder ang clearer answer. Are you ready?" Masayang sabi niya muli.

"Opo, Sir!" Ikalawang tugon ng buong klase na ngayon ay puno na ng sigla.

"Good! Now I want you to be informed about your schedule kaya ngayon i-eexplain ko lahat 'to sa inyo. Ayoko namang maging shunga-shunga ang advisory class ko. " Sabi niya na biglang ikinataka ko at dahil dito ay nagtaas ako ng kamay para magtanong.

"Yes Mr--?" Tugin nito sa pagtataas ko ng kamay at tila tinatanong din ang pangalan ko.

"Escalia po sir!"

SERENDIPITY || The Adventures of My Astral BodyWhere stories live. Discover now