CHAPTER 17 - SHAMANS

18 1 3
                                    

Jerra's Point of View

Natulala nalang ako sa pagkabigla dahil nakita ko ngayon ang katawan ko at maging si Steph at Angel ay ganoon din ang reaksyon sa nang makita nila ang mga sari-sarili nilang katawan. I mean the physical bodies, bago pa man tayo magkalituhan.

Pero infairness ha, ang ganda parin ng physical body ko kahit natutulog mukha lang akong si aurora ng sleeping beauty. Haha!

Kalaunan habang nakatayo parin kaming tatlo ay nakita naming may kinuha si Monk Yu Shin sa loob ng kanyang mahabang robe na pang-monghe and it turns out na isa pala itong prayer beads. Parang din siyang reumdulhan na suot-suot namin ngayon pero mas malalaki ang beads nito at mas kaunti. Nag-simula na nga na magrecite si Monk Yu Shin ng isang spell at maya-maya pa ay namangha kami sa sunod naming natanaw.

May liwanag na bumabalot sa pisikal na katawan namin nila Steph at Angel. Nagsimula itong kumalat sa ulo pababa hanggang sa paa. Aakalain mong mga caterpillar kami na nasa loob ng cocoon. At sa gitna ng aming katawan na nababalutan na ngayon ng liwanag ay may isang chinese character na kulay dilaw ang nagliliwanag at lumitaw.

 At sa gitna ng aming katawan na nababalutan na ngayon ng liwanag ay may isang chinese character na kulay dilaw ang nagliliwanag at lumitaw

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Hindi ko alam kung ano yun pero baka may kinalaman ito sa proteksyon na igagawad sa amin ni Monk Yu Shin.

Narinig kong bigla tumigil sa pagrerecite ng spell si Monk Yu Shin kasabay ng kanyang pagdilat at saka siya nagsalita.

"Nagawa ko na." Malumanay nitong sabi.

Wala parin naman kaming imik na tatlo at hinihintay lang kung anong susunod na gagawin niya. Nasa likod niya kami at kalaunan ay humarap siya sa amin. Tumango lang ito na para bang niyayaya kaming sumunod sa kanya na siya namang ginawa namin. Pumasok na muli ang matandang monghe sa loob ng portal sinundan naman siya nina Steph at Angel. At bago pa man ako sumunod sa kanila ay nilingon ko muna ang mga katawan naming nakahiga sa kama at pagkatapos nun ay tuluyan na rin nga akong pumasok sa portal.

Pagkapasok ko ay naroroon parin naka-indian sit ang buong bangtan. Natawa ako ng makita ko si YoonGi na nakasandal kay Jin habang natutulog. Napaka-antukin mo naman babe. Hihi!

Nakakapagtaka lang dahil hanggang ngayon ay nakikita parin nila kami dahil nang bumalik kaming tatlo sa mga kinalalagyan namin ay sinusundan kami ng tingin ng ibang members na walang suot na reumdulhan. Kung si Jimin, pwede pa kasi nga may suot siyang wooden necklace pero yung iba.. argh! Nevermind! Di talaga kaya ng utak ko ang mga matindihan at malalim na palaisipan.

Nang makaupo na kami ay siya naman ding pagsara ng portal na ginawa ni Monk Yu Shin kanina. At matapos non ay nagreunite na ang katawan ni Monk Yu Shin at ang kanyang Astral form. Kasabay noon ang muling pagliwanag ng paligid at namatay din ang mga sindi ng limang pulang kandila na nakapalibot sa matandang monghe.

Nakaindian sit parin si Monk Yu Shin at maya-maya ay tuluyan na niyang iminulat ang kanyang mga mata. Nanatiling tahimik ang buong kapaligiran at kahit isang kaluskos ay wala kang maririnig hanggang sa magsalita na siya.

SERENDIPITY || The Adventures of My Astral BodyWhere stories live. Discover now