CHAPTER 28: Part 2 - DEJA VU

9 2 6
                                    

Jerra's Point of View

"Steph!" Tawag ko sa bruhang nakatulala sa kawalan.

"Huh? Uh.. B-Bakit?" Walang muang niyang sagot.

"Girl ang layo na nila Angel. We might not be able to catch up!" Singhal ko sa kanya,

"Okay. Fine." Sagot naman niya sa akin.

"Gosh! What are you staring there a while ago? Para kang probinsyanang kakarating lang sa Maynila." Tanong ko sa kanya habang naglalakad kaming dalawa.

"Nothing.. It's just medyo amazed lang ako kasi nakarating ako dito." Sambit naman niya sa'kin.

"Huh? I thought nakapunta na kayo dito nila Tita Liliana?" Tanong ko muli.

"Hindi pa. But our plan was to migrate here at dito ako mag-cocollege pero since sa pinilit ko silang sa HER ko tapusin ang studies ko. Nauna na sila dito. Kaya nga may pangamba ako na magkasalisihan kami sa bansang 'to." Wika niya sa akin.

"Kasi isipin mo.. paano ko naman ipapaliwanag sa kanya na hindi na normal na tao ang anak niya? Paano ko sasabihing isa akong astral body na kung tutuusin ay para na ring isang multo na wala nang katawan." Dagdag pa niya.

I sighed. "It's fine. We'll get through this. Soon." Pagpapagaan ko sa loob niya.

Kahit naka-mask si Steph ay kita ko pa rin ang pag-ngiti niya sa sinabi ko. Matapos ng maikling usapan namin na'yon ay tahimik na lang muli kaming naglakad hanggang sa makarating kami sa tapat ng isang van. Naunang sumakay ang buong Bangtan doon at kami namang mga 'tour manager' ay pumwesto sa back part ng sasakyan.

Wala naman kaming ibang kasamang mga crew sa loob ng van na 'yon kundi ang driver lang dahil ang ibang mga personnel at managers na kasama naming sa byaheng ito ay nasa kabilang sasakyan na kasunod lang sa amin.

"Welcome to America everyone." Namjoon suddenly said.

"Yahh.. we've been here so many times. What's up with that?" Yoongi spoke with a little laugh.

"I'm not pertaining to us." Namjoon uttered then looked at us.

Nagtinginan naman kaming apat nina Lia, Angel at Steph dahil hindi namin alam ang isasagot sa sinabi ni Namjoon.

"Guys, it's okay. Loosen up. It's only us in this van." Namjoon stated.

Tumango na lang kami sa sinabi ni Namjoon. Dahil nasa tabi ako ng bintana sa mga oras na iyon ay naisipan kong tumingin-tingin sa mga magagandang view na nasa labas. Mga nagtataasang skyscrapers, road signs with American names and American architechture.

We really are in the United States of America. No doubt.

Anyways, ilang sandali ang lumipas at huminto ang van sa tapat ng isang malaking building. Nauna na kaming bumaba nina Steph, Angel at Lia bago ang buong BANGTAN. I looked up from where I was and read the name of the building kung saan kami bumaba.

Hyatt Regency McCormick Place

"This is where, we'll be staying for a while." Namjoon quietly said.

Tumingin naman kami sa kanya at sinagot siya ng isang pagtango. Matapos nito ay nagpatuloy na nga kami muli sa paglalakad and of course pinauna muli naming sila at kasabay naming maglakad ang iba pang mga crew. Naunang pumasok sa loob ng elevator ang buong BANGTAN bago kami sumunod. Puno na sa loob kaya naman dalawang crew lang ang nakasama naming sa loob. Nang makaabot na kami sa 27th floor ng building ay doon na lumabas ang BANGTAN.

SERENDIPITY || The Adventures of My Astral BodyWhere stories live. Discover now