CHAPTER 4 - TRY

25 1 6
                                    


Angel's Point of View

"H-Huh? W-Wala akong makita." Nabigla kong sabi nang idilat ko ang aking mata ngunit sobrang dilim sa paligid. 

Puro black lang ang nakikita ko. Shocks! Bulag na ata ako.

"S-Steph! J-Jerra! Wala akong makita! WALA AKONG MAKITA!" Sigaw ko habang nangangapa.

Kinapa ko ang paligid ko at gumapang sa sahig. Di ko na alam kung nasaan na ako.

"Huy! Ano ba yan ang aga-aga." Singhal ng isang lalakeng tingin ko ay si Steph.

"S-Steph? Ikaw ba yan? Tulungan mo ko wala akong makita." Daing ko.

"Saang bundok ka ba nanggaling ha?" Sambit niya sabay tanggal by facemask na kagabi pa pala tuyo at kagabi pa rin pala nasa mukha ko.

Ginala ko ang mata ko at nakita kong nakarating na pala ako sa sala dahil sa kakagapang ko kanina.

"Ayy.." Usal ko nang may halong kahihiyan.

Matapos non ay bumalik na kami ni Steph sa kwarto at doon nakita namin ang isang natutulog na nilalang.

Aakalain mong may pugad na nakatabon sa mukha. Sabog sabog ang buhok nito habang ang kumot niya naman ay nasa paa niya na.

Ang tibay neto. Grabe na yung kakasigaw ko kanina hindi manlang siya nagising o naalimpungatan man lang.

"Gigisingin na ba natin yan?" Sambit ko.

"Maya-maya na siguro, five thirty palang naman eh." Usal ni Steph.

"So anong gagawin natin?" Tanong ko.

"Aba'y malay ko sayo. Ikaw ang gumising-gising saken dyan eh. 'Steph.Jerra.. tulungan niyo ko wala akong makita'  nyenyenye." Pagrere-enact ni Steph sa nangyari kanina na may halong pang-aasar at kasabay ng pag-make face.

Tinarayan ko na lang siya at umupo sa sofa, binuksan niya ang TV habang siya naman ay pumunta sa kusina at kumuha ng itlog at hotdog sa ref namin.

" Girl, anong papanoorin mo dyan eh diba hindi pa bukas ang mga local channels sa mga ganitong oras?" Tanong niya habang nagluluto.

"Nakalimutan mo na bang de-cable ang TV naten?"  Sagot ko sa kanya.

Nilipat ko ang channel hanggang sa mapunta 'yon sa makakita ako ng k-drama at doon ko nalang 'yon pinanatili. 

Kalaunan ay naamoy ko na ang mga niluluto ni Steph at talagang napakabango non.

Maya-maya sa kalagitnaan ng panonood ko ay may kumalabog sa kwarto namin na siyang ikinagulat naming dalawa ni Steph.

"Ano 'yon?" Rinig kong tanong ni Steph mula sa kusina.

Kaya naman dali-dali akong pumunta sa kwarto at doon ay may nakita akong babaeng nakasalampak sa sahig.

"Aray.." Mahina at halatang inaantok na reklamo niya.

"Jerra? Anong ginagawa mo dyan?" Tanong ko.

SERENDIPITY || The Adventures of My Astral BodyWhere stories live. Discover now