CHAPTER 8 - HE'S INTO HIM?

30 1 0
                                    


Jerra's Point Of View

"Ahh!" Tili ng isang babae kasabay ng pagkabasag ng isang bagay na nagpagising sa akin.

Lumabas ako ng kwarto para tingnan kung anong nangyayarI sa labas at nakita ko si Angel na nakatayo at sa paa niya ay ang mga basag na piraso ng isang mangkok.

"Anong nangyari dito?" Bungad kong tanong.

"Girl, gising ka na pala?" Sabi ni Steph habang tinutulungan si Angel na linisin ang nabasag na mangkok.

"Obvious ba? Ano bang nangyari dito? Ba't nabasag yang mangkok?" Tanong ko sa ka kanila.

"Naghahanda lang si Angel ng noodles for breakfast tapos natalsikan siya ng sabaw kaya naihulog niya yang mangkok.."Paliwanag ni Steph.

Umupo na lang ako lamesa pagkatapos nun.

Habang si Angel naman ay kumuha ng plato at nagsandok ng kanin sa ricecooker at inilipag sa lamesa bago umupo. Sumunod naman si Steph matapos kumuha ng sabaw mula sa kusina.

Habang kumakain kaming tatlo ay kapansin-pansin ang walang tigil na tinginan ni Angel at Steph. Di ko alam kung anong nangyari sa mga 'to but I'm certain na merong something sa pagitan nilang dalawa. Isang bagay na ako lang ang hindi nakakaalam.

"Girl." Tawag ni Steph na bumasag sa katahimikan naming tatlo. Sinagot ko naman siya sa pamamagitan ng pagtapon ng tingin.

"Anong gusto mong ulamin mamaya." Tanong niya habang nginunguya ang kanin na may sabaw.

"Hotdog." Inosenteng sagot ko na sinundan ng biglang pagbuga ni Steph ng mga pagkain na nasa bunganga niya habang si Angel naman ay napa-ubo nang di oras sa di ko malamang dahilan.

"Ang baboy." Reklamo ko habang nagtataka sa sabay nilang pagkasamid.

"Tubig, Steph!" Wika ni Angel.

"Teka, ako muna." Sambit naman ni Steph kasunod ng pag-inom ng tubig sa basong sinalinan niya.

Matapos nito ay binigyan niya rin si Angel ng tubig at saka siya pumunta ng lababo para kumuha ng bansa nang malinisan nito ang nagkalat na butil ng kanin.

"Sure ka na sa hotdog? Pwede bang.. tocino na lang?" Suhestyon naman ni Steph nang makabalik ito sa kinauupuan niya, matapos na linisan ang lahat ng kalat.

"No problem." Maikling sagot ko sa gitna ng pagtataka sa mga reaksyon nila.

Napakakunot nalang ang noo ko nang mga oras na 'yon at pagkatapos ay nagpatuloy na lang sa pagkain ng almusal.

"Jerra." Rinig kong tawag muli ni Steph.

"Mm?" Tugon ko na lang sa kanya habang nakatuon ang atensyon sa pagkain at humihigop ng sabaw.

"Let me ask you something." Wika muli ni Steph.

"About what?" Sagot ko naman.

"About sa inyo ni Angel." Usal muli ni Steph at nang sabihin niya 'yon ay mukhang nahuhulaan ko na kung ano pa ang mga kasunod.

"Oh? Anong meron." Pa-inosenteng tanong ko na lang.

"Nung nakaraang araw pa kayo di nagpapansinan. What's up with you guys?" Wika niyang muli.

"Eh kasi nga dahil kay Min Yoo—"

"Shhh! Magtigil ka muna dyan." Rinig kong pagpapatahimik ni Steph kay Angel.

SERENDIPITY || The Adventures of My Astral BodyHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin