3 // Dimmed Sunshine

1.9K 96 11
                                    

3 // Dimmed Sunshine

Pagkalayo niya sa akin ay ang biglang pagkinang ng flash mula sa kanyang camera.

"Looks about right," nakangisi niyang sabi habang pumipindot pa sa gadget.

My cheeks immediately heated because of exasperation. That was a bad shot obviously! I needed to know if I looked good.

Napapataas pa ang kilay niya habang nakatingin doon. Ano ba?

Gusto kong agawin sa kanya ang camera at tapatan siya ng steam wand. But I needed to be the angel that I really am today! Nagsisimula pa lang ang araw. It's still a long way to go.

"Excuse me, Sir," I cleared my throat. Ngumiti ako kahit pilit. Baka mamaya ay kunan na naman niya ako. At least right now I might look good. "May I take your order?"

Dahan dahan niyang inangat ang tingin niya. His lips slowly curved upwards. What is wrong with him? Why is he moving at a slower pace than the world?

"Is that Americano you're drinking?" he asked. Hindi ako sumagot. "I'll just have Americano as well. Baka ibuhos mo na naman sa akin 'pag cappuccino."

Nagbigay siya ng 500-peso bill at tsaka umupo sa pinakamalapit na upuan sa counter. Is he telling me that he wants me to serve his coffee at his table? Kapal!

I quickly moved on when another customer came in. Mahirap ngayong araw dahil ako pareho ang cashier at ang barista. Ang isa kong makakatulong ngayong araw ay paparating pa lang daw. Mabuti ay wala akong pasok ngayong araw. This job will keep me sane and vacant.

Dinala ko kaagad ang coffee ng kumag sa table niya pagkatapos kong gawin iyon. I'm tempted to slam it on his table but I'm not that evil. That's a whole different level. Tsaka nakalatag na laptop at ang iba niyang mga gamit sa table.

Habang nagse-serve ako sa ibang customers ay patingin tingin pa rin ako kay enemy. I need my guards up and strong while he's here. Baka mamaya ay mag decide siya na sumugod bigla.

"Here's your chocolate frappuccino, Ma'am Justine! Enjoy your drink!" I smiled at the last customer in line.

Kanina pa ako pa-smile smile dahil si enemy ay nagsisimula ng sumugod. Akala niya ba na hindi ko napapansin iyong pagtutok ng camera niya sa akin habang nagb-brew ako ng kape? Ha! Akala niya lang! Hindi kasi siya subtle kumilos kaya ko napapansin. May pangiti ngiti pa siyang nalalaman, e alam ko naman ang plano niya! I called for break and headed to the pantry. Nangalay nang super ang bibig ko kakangiti!

Nasa kalagitnaan ako ng lunch noong tumawag sa akin si Tita Lar. Pabalik na sila but they're stuck in the traffic. Beastmode tuloy si Tita kaya sa akin nai-release lahat. Nagkukwento kasi ako tungkol sa nangyari ngayong umaga sa Mostaccio. Nawalan ng preno itong bibig ko kaya iyon, nabanggit ko rin tuloy na feeling prinsipe itong si Jerkrick kasi di manlang makaramdam na nag-iisa ako sa café.

Tapos ako na naman ang napagalitan. Why? Why?

"Is Jerrick still there?" tanong ni Tita. I told her I didn't know because I just finished my lunch. "Can you check? If he's still there give him a complimentary drink, whichever he prefers."

Napairap ako. Niligpit ko ang pinagkainan ko at bumalik na sa café.

"What for?"

"Your apology drink, Viennica. You're being rude to him. Give him pastries, too. But ask him first what he likes."

I sighed. I know I was beyond rude to Jerrick. I was nosy, judgmental, and temperamental to him. Pero hindi ko na mababawi ang mga nasabi ko. I couldn't erase what had happened by just saying sorry.

Something That Will LastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon