20 // The Withdrawal

1.1K 80 43
                                    

20 // The Withdrawal

Jerrick Withdrawal \ jerr-ick wiTHˈdrôl \
noun
:a phenomenon that occurs after Viennica misses her necessary dose of Jerrick
:symptoms are usually seen after about a week or less

Siya mismo ang nagtext nyan sa akin. Napaka-feeling!

Hindi ko naman siya na-miss. Sa isang linggo niyang pagkawala physically, di pa rin niya ako tinantanan. Akala ko ba truce na kami?

Kasalukuyang nasa byahe na sila pabalik ng Manila mula Sagada. Hindi kami magkatext ngayon, sabi ko matulog na lang siya sa byahe. Siguro pagod din siya kasi hindi na rin siya nakipagtalo.

"Oh... my... gosh!" unti-unting sabi ni Jules habang nakatitig sa akin.

Pagod ko siyang sinalubong ng tingin. "What now, Jules?"

Ang isang kamay ni Cara ay nakatakip sa bibig niya, ang isa naman ay nakaturo sa bulsa ko.

Huh? Minsan talaga feeling ko nasa theater play kami, e. Ang laki ng emotions nila...

Oh, no.

Nanlaki ang mata ko nang ma-realize. Nagpanic na ako! Umubo ako kaagad to feign confidence.

"What?" pagmamaangan ko pa.

"Why do you have your phone with you?" hindi makapaniwalang tanong ni Lesly. Three of them still looked stunned.

"Mom texted," sabi ko, trying hard not to show how awkward I feel.

I knew this was going to happen. Gagawin nilang big deal itong pagte-text ko ulit. Kaya nga sobrang effort ko na magtago. Anyway, I still got busted. So, meh.

"Sinong katext mo, ha?"

"Si Jerrick! Hindi na mystery 'yan, Jules," said Cara.

"Kailangan kong malaman. Kung hindi si Jerrick ang katext, sasamsamin ko phone niyan!" she warned me with wide eyes.

"Si Wyatt ang kausap ko!" I yelled before marching off.

Narinig kong susugurin na ako ng pinsan ko pero napigilan siya noong dalawa.

Nag-lock ulit ako ng pinto ng kwarto kasi medyo nakakatakot din itong pinsan ko e. Mas galit pa kasi siya kay Wyatt compared to me. Actually, pati si Saige at Snooki. Mas nauna pa akong naka-move on sa nangyari kesa sila.

Lumalim na ang gabi pero wala pa ring message si Jerrick. Hindi ko naman hinihintay. Ano lang... I just wanna know if their commute's still safe. Or if they were all still alive. Iyon lang.

I ate dinner habang wala sa sarili. I'm bored with my life now. Wala bang challenges ngayon, ha, tadhana?

Nagpanggap akong natutulog pagkapasok ni Jules sa kwarto ko. Ayokong tinatanong-tanong nila ako tungkol sa mga bagay na hindi ko rin alam ang sagot. Baka kasi mamaya makasagot ako nang hindi ko inaasahan.

Wala pa akong inaamin sa sarili ko kasi... wala naman dapat aminin? I don't know!

"I know you're not asleep yet," sabi ni Jules. Nasa kama na siya, katabi ko. "But I'll stop nagging you for now."

I faked a loud snore. Hinampas niya lang ang braso ko. I nearly tried to avoid it, pero magaling na akong actress ngayon kaya hindi ako gumalaw.

My eyes were closed for too long, but I still couldn't catch sleep. Naririnig ko na ang mahinang hilik ni Jules. Naunahan pa talaga ako!

Something That Will LastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon