19 // Coffee and Palpitation

1.2K 89 174
                                    

19 // Coffee and Palpitation

They said that the normal heart rate is sixty to ninety heartbeats per minute.

They said that too much caffeine might make your heartbeat go erratic.

Recently, I had taken my caffeine intake up a notch.

Who says stress stops the moment your last passing grades in college are released? Who says it stops the moment you hear that you're finally graduating? Kapag may nagsabi? 'Wag kayong maniniwala dun!

I had to deal with requirements for graduation, clearance, borrowing of toga, batch photo, yearbook, and finally... pagpapa-book bind ng thesis! Sobrang haba pa ng pila sa shops, tapos yung ibang professors atat na atat sa submission. Kayo ang ga-graduate, mga siz? Chos.

So that's what I've been up to lately, and why I've been drinking coffee more than I did during the entire course of my education. Ang hassle kaya kasi kailangang gumising nang maaga kasi there's pila everywhere. Like. Everywhere.

But finally, all I'm waiting for is my graduation march. Then, I'm free after that. Wooooo!

"Tigil muna ako sa kape ngayon, Jules," I said after she slide an iced coffee in front of me.

Hindi naman siya namilit kaya ini-slide niya ulit iyon sa table at itinapat naman kay Lesly.

"Let's just reserve this to Pol," suggestion ni Les. "Mamaya nang ten p.m. ang alis nila for Sagada diba?"

"Yup," sagot ni Jules. Kinatok niya ang parte ng table sa tapat ko. "'Di mo mami-miss si Jerrick? One week din 'yung mawawala."

I looked at her nonchalantly. "Bakit naman? Nabuhay ako nang more than twenty years na wala 'yun. Tell me, what's even a week?"

Lumaki ang ngisi ng pinsan ko. "Wow, strong and confident! I like it."

Wait, ano?

"I mean!" I said quickly nang ma-realize kong iba ang naging dating ng sinabi ko. "Basta, hindi!"

Hindi pa siya pumupunta sa café ngayong araw. Apparently, isasama na rin pala siya ni Tita Lar sa Sagada because of his persistence to join. I think he's doing that for his resumé. Ambitious din yata ang isang 'yon.

"Pero, Vie, seryoso." Hinarap niya ako. Seryoso nga mukha niya ah. "May something na sa inyo 'no?"

Umiling ako, mga six times.

"Gaga! Anlala niyo. Anong wala? Pupunta ba 'yun dito araw-araw para sayo kung wala?"

Umiling pa rin ako, mga—

Hinampas niya ang table kaya nagulat ako. So mean!

"Anong wala? E, ang lambing lambing sayo? Bakit magsosorry pagkatapos mawala ng isang linggo nang walang pasabi?"

"Oo nga," sang-ayon ni Lesly. "Tapos kung makaalalay kala mo naman meron kang sign na 'Fragile! Handle with Care' sa noo mo."

Huh? Parang hindi naman. Lagi ngang nang-iinis 'yung taong 'yun. Or naiinis lang ako automatically. Ewan ko.

"Gagi, may narinig pa ako dyan one time," tawang-tawang panimula ni Jules kay Les. "Gustong umupo ni Jerrick sa armrest niya kasi wala nang upuan that time. Tapos ang sagot ng bruha, 'ayoko, pero ikaw.' Ang benta, hayop sa pakipot!"

"Legit ba?" hindi makapaniwalang tanong ni Les. Amused na amused din siya.

"Oo, tanungin mo si Pol at Cara!"

Napatakip na lang ako ng mukha. Hindi ko alam kung dapat ko pa bang i-deny, pero wala na akong lakas. Gusto ko na lang magpakain sa lupa! Tutal yummy naman ako.

Something That Will LastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon