18 // When He's Counting Pixels

1.1K 84 69
                                    

18 // When He's Counting Pixels

"So, ilan taon ka na, Nolan?" tanong ni Cara.

Kasama namin siya sa table sa labas ng Mostaccio. He's showing us the designs he devised for the upcoming café branches.

"I'm twenty-three."

Cara smirked a little, gumalaw pa nang konti ang kilay niya. Gets ko siya, actually. I'm a bit surprised din.

Nolan seemed like he's already established his own brand. Ang professional na kasi kaagad ng datingan niya for his age. Iyong porma at kilos niya, mukhang nakuha niya ang memo ng mga art students para maiwasan ang hasty generalization.

Hindi naman business attire ang suot niya, pero halos semi-formal na rin. Kapag dumadating pa siya rito sa café may pa-sunglass epek pa siyang nalalaman. You know the scene where a guy takes his sunglass off after getting out of the car? Yeah, that's his scene.

"Ah, may girlfriend ka?" Cara directly asked.

My eyes widened in shock. This is their first close encounter!

Nangiti si Nolan. Hindi siya sumagot. Itinuro niya lang akin ang nasa monitor niya instead.

"What the heck? Cara!" Pol chastised her.

"What? Why?" she asked cluelessly. "Kurt already likes someone who's an angel. He's still my crush, pero I need to un-crush him na."

Jules gave our friend a side-eye. We love her like that, but sometimes she can be too straightforward. Like, too much. Tuwid na tuwid.

"Do you need to have another crush? Hindi naman required 'yun sa buhay," said Pol.

"Boo hoo! For once, quit being pragmatic, Pol! Kaya ang stressful ng life mo eh. Gaya ka kasi sa'kin, hindi bumababa sa five ang happy crushes."

Mas nakikinig pa ako sa kanila kesa sa magpokus sa ipinapakita ni Nolan sa screen niya. Anything that looks beautiful to me is already fine. I won't complain with details so long as it's, as I had mentioned, fine to me. Simple as that.

Kaya hindi dapat ako ang tinatanong dito. Ang tagal naman kasing umorder sa loob ng café ni Jerrick. Dapat sila ang naguusap ni Nolan dito eh, kasi somehow sila ang may similar gear ng brain.

"Viennica?"

I blinked. "Sorry, what?"

"Sorry," sabi niya rin, natatawa. "Am I boring you?"

Umiling ako kaagad. "No! No. Uhm. Lahat kasi maganda." I smiled a little, hoping for him to drop the conversation.

'Di naman kasi ako magaling sa pakikipagusap sa hindi ko ka-close. Lalo sa lalaki. Kaya kapag iba ang kausap ko, madalas kinakantyawan ako ng mga pinsan at kaibigan ko. Bakit daw biglang bait ko, nasapian na ba ako ng anghel, tanggap na daw ang application ko sa heaven, mga ganyang thinking.

Naging uneasy ako nang maramdaman kong pinapanood nila kami ni Nolan na mag-usap.

Itinuro ako ni Cara, then she asked Nolan carelessly, "Crush mo siya?"

"Who? Viennica?"

"Uhuh," seryosong sabi ni Cara. She's once again the interrogator Cara.

Napatakip ako sa mukha ko. Why are her questions always so embarrassing? Tapos ako pa 'yung victim!

I heard him laugh. "Yes. I like her."

Oh, no.

Tinanggal ko ang pagkakatakip ng kamay ko sa mukha. Maliit akong ngumiti sa kanya.

Something That Will LastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon