11 // Break Like a Ceramic

1.2K 76 67
                                    

11 // Break Like a Ceramic

Minsan kapag weekends ay umuuwi ako sa bahay namin para i-remind ang nanay at tatay ko na may anak pa sila.

But since may event si Lesly ngayong Sabado ay hindi na lang muna. Tsaka ayoko ring kulitin ng nanay ko tungkol sa isusuot ko sa eightieth birthday party ni Lolo Gustin.

Alam kong engrade ang magiging celebration para kay Lolo. Hindi lahat ay mapalad na maging malakas sa gano'ng edad. Tsaka iyong ibang tropa ni Lolo deads na, kaya sobrang thankful ng family namin na malakas pa siya. I know being happy and contented helped. He was always the one to make us laugh when we're down. Lalo na kapag pinapagalitan kaming magpipinsan ng mga magulang namin.

I remember one time when my cousin Snooki, who were still underaged that time, got home at five in the morning outrageously drunk! Nabulabog ang angkan noon dahil nag-hysteric si Tita Elora.

Tapos Lolo Gustin came to the rescue, ang sabi niya ay sa kanila nanggaling si Snooki at siya ang nanglasing sa pinsan ko. Of course, hindi iyon totoo pero hindi naman masagot ni Tita Elora si Lolo kaya shut up na lang siya. Ngiting-wagi noon si Snooki!

The whole family witnessed the whole thing because we were at their house. Snooki texted all of us to come, so that her mom would feel a bit embarrassed to scold her in front of us. Witty witch!

In just a couple of weeks, magigimbal na naman ang mundo ni Lolo dahil kumpleto kami sa mismong araw birthday niya. Sa mansion gaganapin ang family dinner, tapos iyong engrandeng celebration ay sa hotel na gaganapin naman sa ibang araw, that's obviously a weekend.

Pagkalabas ng bahay ni Jules ay nakasimagot siya sa akin. Wala pang sikat ng araw kaya siguro siya ganyang ka-grumpy. It's just four a.m. and we haven't had coffee.

"Nakalimutan mo 'tong white shirt! Pati itong phone mo," masungit niyang sabi. Inabot niya sa akin iyon parehas.

"I don't text, Jules. Why do I have to keep reminding all of you that," sabi ko nang nakanguso.

Nagsimula na kaming maglakad papunta sa apartment nina Cara. Doon kami magkikita-kita, tapos ay kukuha ng Grab car para pumunta sa venue kung saan iyong Fun Run. Wala akong alam sa mangyayari, chill lang ako lagi. Basta sila ang kasama ko secured na ako sa lahat.

So I just chill all the time.

Madilim pa ng paligid. Sa ilaw lang sa post lights kami nagrerely. Wala ring ni isang estudyanteng makikitang naglalakad.

"Si Cara na lang daw ang nasa apartment. Nag-overnight daw sina Les kagabi sa orgmate nila," sabi ni Jules habang nagta-type sa phone niya.

Yakap ko lang sarili ko habang naglalakad kasi sino pa bang yayakap sa akin? Joke! Malamig kasi! Sobrang lamig lalo kapag humahangin, marami pa namang puno sa dinadaanan namin.

"Ay wait! Susunduin na daw tayo ni Jerrick, malapit na siya dito."

Parang sobrang accurate ng sinabi niya dahil sa liwanag sa likuran namin kasabay ng busina.

Humangin na naman nang pagkalamig-lamig. Di ko kinakaya kahit makapal na ang hoodie ko.

"Sa unahan ka na, Vie!"

First time ko yatang hindi nakipagtalo kay Jules kasi sumakay kaagad ako sa unahan. Ayoko talaga sa malamig na paligid. Okay lang ang AC sa kwarto kasi may comforter naman, but this type I dislike!

Something That Will LastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon