16 // Dreams and Other Things

1.1K 82 67
                                    

16 // Dreams and Other Things

Just how much caffeine is too much?

Alam ko the past few days sa umaga na lang ako umiinom ng kape ah. Pero bakit tuwing gabi, hirap na hirap akong matulog?

Scam ang life! Scam ang coffee!

"Wala talagang pumapasok sa isip ko," Cara cried. "Dapat kasi baby na lang ako forever!"

Mostaccio was already closed. Since the semester have completed, there's no more surge for coffee in our area. Usually kasi kapag peak days, we operate on a 24-hour basis, but it's not our shift. Tita has other people for that. Ngayon naman ay hanggang ten p.m. na lang kami. Magbabalik lang ang usual hours, which is from five am to twelve midnight, kapag nagstart na ang summer classes.

Apat na lang kaming nandito sa loob ng cafe. There's little lights that were open, halos dito lang sa area ng table namin.

"Nag-aral ka ba talaga? O, why did Lesly pass and you didn't?" disappointed na tanong ni Pol kay Cara.

Yeah. It's 'cause of her, why we're here. Moral support ba. She failed a course kasi tapos mamayang nine a.m. na kaagad ang remedial exam.

"Eh bakit mo ako pinapagalitan? Ugh!" Napasabunot na lang sa buhok si Cara.

Hinahayaan na lang namin ni Jules mag-away ang dalawa. My cousin's here doing my resume. Hindi ko pa alam kung kailan ako magttrabaho for real. Tambay muna ako here ng mga one year siguro. Work for Tita Lar ganon. Hangga't di pa naha-highblood ang nanay ko sa akin, push lang ako sa plano kong 'yan.

"Vie, nagugutom ako. Ibili mo ako ng food sa Bistro Bistro. Libre mo," utos ni Jules.

"But I'm not hungry," I said.

"Ikaw ba ang kakain? Ako diba?" masungit niyang sagot. Ugh. I hate my cousins. "I like baked ricotta."

Umirap ako at nilabas ang wallet ko. I looked outside and it's already dark. Konti na lang ang tao sa vicinity.

"Pol, samahan mo ako. Or, ikaw na lang kaya ang bumili?" I suggested.

"No! Dito lang 'yan. Tinutulungan niya pa me," tutol ni Cara. "But order us na rin, ha? Thanks, luv."

Tiningnan ko si Pol, nagkibit lang siya ng balikat at tinutukan na ang notes ni Cara.

Ang dilim sa labas! I have yet to march sa May, delikado kaya ang life ko ngayon. Sayang naman ang education ko kung may mangyari sa akin.

"Mag-cup noodles ka na lang kasi," I whined.

Umiling lang si Jules habang nakatingin sa laptop ko. Kinuha niya ang phone niya tapos ni-narrate niya ang itina-type niya.

"Gutom si Vie... iorder mo daw siya... sa Bistro Bistro. Thank you... Jerrick," paunti-unti niyang sabi.

Mabilis niyang inangat ang kamay niya nang tumayo ako. Tinakbo ko siya sa kabilang part ng table pero hindi ako umabot.

"Ay sorry, sent na," she giggled.

Bumalik ako sa tabi ni Pol. Hinampas ko ang braso niya at kinurot pa pisnge niya, "Bakit kasi hindi na lang kayo ni Cara ang magtabi!"

"Girl, dapat kasi hinablot mo agad. If I know gusto mo lang din makita." Kinindatan ako ni Cara.

"Duh, no," pa-cool kong sagot kahit ang bilis na ng tibok ng puso ko.

It's the caffeine kicking. No-brainer.

Hating-gabi na, I bet Bistro Bistro's also closed now. So there's just no way. And by thinking this way, I calmed down.

Something That Will LastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon