27 // The Sort Out

1.2K 85 83
                                    

27 // The Sort Out

"Well, this has been fun, Vie. I'm glad you ended up with Jerrick," said Cons, standing up and ready to flee.

"Ah, hindi kami," sagot kong mahina. I reached for my nape, baka nandito ang sagot kung bakit nga ba hindi.

Nilikot ko ang mga mata ko para hindi ko makita ang hitsura nilang dalawa. Ngayong umiinom na ulit ako ng kape, sagana na naman ako sa kaba.

"Teka, bakit? E, sabi ni Jerrick kayo n—"

"Just go, Cons," singit ni seat mate. Nakapikit siya at hinihilot ang sentido.

Inilingan siya ni Cons. Sinakbit niya ang strap ng gym bag at tumango sa akin.

"Kita na lang ulit tayo, Vie," he said. Pinalipad niya sa ere ang hintuturo niya at pinagpalit-palit niya ang pagturo sa amin. "You two, sort out your feelings! Would you?"

Sabi ni Eerie Constantin ay magkita na lang daw ulit kami! Pinakawalan ko ang kilig ko nang makaalis siya.

Nakatakip ang nakabilog kong kamao sa labi ko habang nakapikit ako. Like a kettle with water that had reached the boiling point, I let out a long stifled sound because of too much feelings.

"Eeeeeeck!" Kilig voice 'yan, I swear. No one's smothering me.

Kinuha ko ang metal straw para uminom sa frappe. With a dreamy eyes, I sipped sweetness. May maliliit na marshmallows at bits of chocolate ang inumin ko.

Nawala ang ngiti ko nang makanguya ako ng marshmallows. May naalala kasi ako. Uminit ang tenga ko kasi... parang biglang nakiliti ang labi ko.

"You're like an emotion jukebox right now, Vie," sabi ni Jerrick na nagtataka akong pinapanood.

Napansin niya ba ang pabago-bago kong expression? Eh... kasalanan niya naman kasi!

Umubo ako para pagtakpan ang nararamdaman ko. Lately, parang lagi na akong nakikiliti that even having realized this made me kiliti more! Ugh. I hate marshmallows.

"Is your throat okay?" he sincerely asked. Kinuha niya ang kamay ko pero binawi ko ulit at tinakpan ang labi ko.

"If it's sore, they said marshmallow can help. Hindi ko sigurado kung totoo, but I'll get you more—"

"NO!" I hurried, my eyes wide. Naestatwa siya at ang mukha niya ay muli na namang nagulat at nagtaka sa biglaan kong sigaw.

"No, thank you..." Lumunok ako dahil sa hiya, kasabay nito ang pagluwag ng katawan niya. Tinawanan niya ako.

"Bakit parang takot na takot ka sa marshmallow? I know you aren't allergic..."

"Wala, wala!" Pinilit kong magmukhang naiinis.

"Bakit naiinis ka naman ngayon? Ipinakilala na kita sa idol mo, ah." Nakangisi pa rin siya.

Now I'm okay with that. Basta lumayo tayo sa marshie talks.

"Eh pati siya pinipilit tayong dalawa. Lahat na lang sila." Ngumuso ako, pero discreet lang. Baka kasi magmukhang invitation, e, nasa café kami.

"I know." Humalakhak siya. "But hey, Vox Populi, Vox Dei, right?"

Binigyan ko siya ng mabilis na sarkastikong ngiti. "But what about your voice?"

"You tell me first." He shrugged. "Vox Vie, Vox Jerrick."

I growled. Bakit ayaw niyang magsalita? Hindi pa ba niya sasabihin na ano... 'yong ano... ano niya ako...

"That mouth is utterly useless if you aren't gonna use that for talking," mapait kong sabi.

Something That Will LastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon