26 // A Brand New Era

1.1K 78 58
                                    

26 // A Brand New Era

"Nah, I'm kidding. I'm Eerie Constantin," he revealed coolly.

My eyes shot heavenwards while I rapidly blinked out of disbelief. When my sight darted to his annoying face, I spat, "What?!"

Mabagal nawala ang ngisi niya at unti-unting napalitan ng pilit na ngiti. "Tara, balik na tayo sa cafe? Ayaw kitang naiinitan."

My eyes were slowly batting as I turned to look at the field. If he's EC, then that would mean that he's a softboi who has had the world's back turned against him because of all that heartbreak? It might be unlikely, but that's what his aesthetic and words suggested—well, at least to me.

"Vie, anong iniisip mo?" Kabado siyang tumawa.

I... I couldn't get my thoughts organized...

"Vie, final na. Hindi talaga ako si Eerie," sabi niya at tumakbo palayo.

Humigop ako ng hangin at sinamaan siya ng tingin. Hinabol ko siya habang nagbabadyang mananakal. Lumaki ang mata niya bago nagpanic at tumakbo.

"Lagi mo na lang akong niloloko!"

"Ang cute mo kasi kapag—"

"Cute ako palagi! Animal ka!" I scowled.

Ginamit niyang panangga ang kamay niya sa akin nang mahabol ko siya. "Wait, wait, hold on! Ipapakilala na kita kay Cons. Don't get mad."

Pinanliitan ko siya ng mata. "Legit na?"

"Legit," he assured, now placing his arm over my shoulder.

Inis kong hinipang paalis ang humarang na buhok sa mata ko. "No lies, or I'll make you cry?"

He got amusingly confused but just resigned in the end. "Yes. No lies, and you won't make me cry."

Humalik siya sa tuktok ng ulo ko. "And I will never intend to make you cry."

My lips twitched, parang nagpupumilit na ngumiti pero hindi ko hinayaan. Umirap na lang ako. "Kailan mo ako ipapakilala kay EC?"

"I'll text him. Baka pwede siyang pumunta sa Mostaccio mamaya."

Nagsimula na kaming lumakad pabalik ng café. Tuwing maglalakad kami ay laging nagkakasanggian ang mga kamay namin. Noong una ay nagso-sorry pa kami sa isa't isa, hanggang sa nasanay na kami na ganoon, na nakakabanggaan talaga.

I don't know what's with him, but I really think that he's doing that on purpose.

But I'm fine with it. Psh! No biggie!

Naghintay kami ni Jerrick sa café nang kinumpirma ni Eerie Constantin, or Cons as how Jerrick referred to him, na makakapunta siya.

Dati palagi kong iniisip kung ano ang mga sasabihin ko sa kanya kung magka-chance ako na makilala siya. At dahil dati ay brokenhearted kemerut ako, ang unang pumapasok sa isip ko ay iiyakan ko siya, mag-iiyakan kami, ganon. Kasi pakiramdam ko pareho kami ng pinagdaanan.

But now, I didn't feel like crying. It's as if I've placed all the grim feelings way behind me. I'm happier, that even if I looked back, I'll feel nothing and will only roast myself for having a low standard. Ew.

Wait, wala pa pala si Cons. Siguro mamaya na lang ako mag-drama, para sulit naman.

"Mabait 'yon?" tanong ko habang pasilip-silip sa labas ng Mostaccio.

Hindi ko pa rin naman alam kung ano ang hitsura niya, pero wala, para lang may special effects. My mind has a budget for it.

"Si Cons? Ewan."

Something That Will LastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon