15 // Peek Before Hiding

1K 84 121
                                    

15 // Peek Before Hiding

"Kanina ka pa tingin nang tingin sa pinto. Sinong inaabangan mo?" tanong ni Pol.

"Customer."

"Sinong customer? Does the name starts with letter s?" he pushed further.

"Huh? Saige or Snooki?"

Umiling si Pol at nagpatuloy sa pagpupunas ng mga mugs. "Sunshine."

I scoffed. "Luh. Bakit ko naman aabangan yun?"

"If you say so—Vie, si Jerrick!"

"Pakshet, saan?!"

Tumingin ako sa pumasok ng Mostaccio, si Jules at Chris lang pala. Sobrang sinamaan ko ng tingin si Pol. Gaga ba siya? Itong puso ko!

Tawa siya nang tawa, nakalimutan na niyang punasan iyong mug!

"Hoy! Magtrabaho ka nga!"

Tumunog na naman ang chime. This time hindi na ako sumulyap sa kunsinong pumasok kahit ganon ang protocol. Nakakaasar 'tong si Pol. Ang sarap atakihin e, ad hominem.

"Ayoko na! Mamamatay na yata ako!" maarteng iyak ng kadadating lang na Cara.

Umupo siya sa barstool at sinalampak ang mukha sa table.

Tinitigan ni siya ni Pol. "Why are you acting funny?"

"My exams killed me, Polie. Would you maybe make me a comfort drink?" pa-baby na sabi ni Cara habang nagbu-beautiful eyes.

Pol just shook his head and left Cara. For all I know, gagawan pa rin naman niya ng drink 'yon.

"Anyway, hindi ko na masyadong nakikita si Jerrick dito," pansin ni Cara. Nilakihan niya ang mata niya at kaswal na nagtanong, "Inaway mo na naman?"

I laughed defensively. "Bakit ako lagi?"

"Lahat kasi kaya mong paiyakin," umirap siya.

Tumawa ako, this time it's a happy laugh. Yeah, I made Snooki cry hard when we were little. Inaasar niya kasi iyong bangs ko noon, kaya bumawi ako. Sabi ko napagtripan lang ng ni Tita Elora ang pangalan niya kasi hindi siya mahal ng parents niya.

Ayon, sinumbong ako kay Lolo Gustin. Tawa ako nang tawa noon ako habang pinagsasabihan ako. Nakakakiliti kasi sa tenga iyong pangalan niya. Sounds like snoopy.

Tita Lar had some people over in one table to talk about business. I knew it's about the expansion of Mostaccio all over the metro. They will take over near places first before they go all out.

"Ako na, Pol," sabi ko. Kinuha ko ang tray sa kanya para dalhin ang mga kape kina Tita.

"This is my beautiful niece, Viennica," pakilala ni Tita Lar sa mga kausap niya.

I smiled sweetly because I can. Magamit manlang minsan ang sweetness ko. Wala na kasi akong mapagbuhusan nito e.

"She really is, ma'am," sabi ng isang lalaki. Ngumiti rin siya sa akin.

Tumingin si Tita sa akin, "That is Nolan, he is a young art director. He will help Mostaccio with all of our future campaigns."

The Nolan guy stood up to offer a handshake. Nag-aalangan kong tinanggap iyon. Pagkakuha niya ay hinalikan niya ang likod ng kamay ko. Kabado akong ngumiti tsaka nag-bow.

Something That Will LastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon