21 // Truth Under The Stars

1.1K 92 66
                                    

21 // Truth Under The Stars

Thanks to my cousin, Jules, things got awkward.

Ngayong gabi ang stargazing event ng Café Mostaccio na sa field gaganapin. Papalalim na ang gabi kaya sobrang busy na ng mga tauhan sa pag-aasikaso. Naglalagay na sila ng blankets at pillows doon pero tumulong din kami.

Tuwing napapalapit si Jerrick sa akin ay magmamadali si Jules na pumagitna sa amin. Tulad ngayon.

"Sama ako," inosente niyang sabi. "Papunta na rin ako doon."

May hawak kaming tatlo na mga unan habang naglalakad papunta sa field.

"I thought tawag ka ni Tita Lar kanina?" I asked her.

"Hindi, hindi! 'Di niyo ako mapapaalis. Dito ako sa gitna nyo," masungit niyang sabi. Nilingon niya si Jerrick para tingnan nang masama.

Kapag ipinapaalala ni Jules iyon, gusto ko na lang talagang maging bula at mawala! Hiyang-hiya ako at hindi ko matingnan si Jerrick. Siya naman ay hindi rin makatawa. I know na excuse ko lang 'yon sa pinsan ko, but maybe he thought that it was too much?

Ugh! Kasalanan niya rin ito, e. Kung hindi naman kami nag-video call edi sana walang awkwardness ngayon.

Siguro kasalanan ko rin, dapat sinabi ko na lang kaagad. Eh pero kasi ayoko, so sa kanya ko na lang i-blame.

"Jerrick, attend ka mamaya?" tanong ng pinsan ko sa kanya.

"Yeah," he said, sumulyap pa siya sa akin. Sinundan tuloy ni Jules ng tingin iyon kaya dumapo ang mata niya sa akin.

"Okay! Share tayong apat sa pwesto. Sama kami ni Chris sa inyo," she said. Tiningnan niya ako. "Sa gitna niyo kami, and that's final."

She gave me a warning look before walking out. Mas binilisan niyang maglakad dahil tinawag siya ni Pol na nasa gitna na ng field.

Kahit maingay sa field ay tila wala akong marinig. Ang tahimik naming pareho nang mawalan kami ng ibang kasama.

Mabagal na kaming naglalakad. I'm contemplating if I should say something first or if I should just wait. But I figured that waiting was the best choice for me. Hindi pa ba ako nadadala sa mga nasabi ko dati?

"Vie, hindi mo ba sinabi sa pinsan mo that we didn't video call without..." he stopped and made indistinctive hand gestures.

Napapikit ako at pinigilan ang kamay niya. This is really embarassing! Tumigil kami sa paglalakad.

"Sinabi ko. I'm sorry..." I frowned. "Hindi ko alam na ganoon magiging reaksyon niya. Are you mad?"

"No, just a little pissed."

My eyes fell. I never thought that there'd be a day I won't be glad that I ticked him off. The scores on our invisible scoreboard were all rendered void. This is a crazy feeling, nanghihina ako. I could only hug the pillows tighter and its plastic cover made the only noise between us.

Kinuha niya ang yakap kong pillow. Now I felt bare. I didn't have anything where I could hide behind anymore.

"Hindi ako makalapit sayo..."

You could stay close... if you want to.

He smiled sarcastically. Umiling siya at napabuntong-hininga. Kinuha niya ang kamay ko at marahan akong hinila sa gitna ng field kung saan kami dapat pumunta. May distansya pa rin sa amin. It seemed like he didn't want to really anger my cousin so he kept the distance even when she's not around.

Malayo-layo ang distansya ng bawat blanket sa isa't isa. Each place has a varying blanket size that accommodates a specific number of people. May mga pupunta kasama ang tropa, merong kasama ang special someone, meron din namang mag-isa lang.

Something That Will LastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon