7 // Careful, You Might Tell the Truth

1.3K 81 24
                                    

7 // Careful, You Might Tell the Truth

Nakabusangot pa rin ako hanggang makauwi galing sa mall. Imbes na sa bahay ay sa cafe ako dumiretso dahil nandoon sina Jules.

Ipinatong ko ang naglalakihang paperbag sa coffee table bago umupo. Buti na lang matangkad ang mga ito, at least hindi maabala ang mga customers sa asim ng mukha ko.

Lumapit si Jules. "Okay, spill. Ano na namang nangyari?"

Tamad akong tumingala para tingnan ang pinsan ko. I just blinked... and blinked. Hindi ako nagsalita kasi, wala, tinatamad na rin akong mag-explain.

Hindi mapigilan ng lalaking nasa harapan ko ang ngumisi. When did he get here, I wouldn't bother knowing anymore.

"Come on, Vie. Lagi kang asar-talo," amused na amused na sabi ni Jules. Itinuloy na niya ito sa pagtawa nang inirapan ko siya. "I bet our cousins would love to see your face right now! Especially Elon, he'd have a mini-heart attack laughing at you."

I blinked slowly while I said how I felt about her, "I... hate... you."

Pabibo siyang huminga nang malalim at nag-kibit ng balikat. "I know!"

Ikinakawit niya sa mga daliri niya ang handle ng paperbags nang tingnan si Jerrick. "Any order?"

"Hindi na. Paalis na rin ako."

Napapikit ako sa saya. My arms automatically spread out of relief. Parang may naririnig pa akong mga anghel na kumakanta.

So dahil tinaglay ni Jules ang mga paperbags ay wala nang namamagitan sa amin ng kaharap ko. Literally.

"Why were you so upset? Nagbibiro lang naman ako," he said, halatang may nagtatago pa ring ngisi sa labi niya. Kahit anong gawin niyang pagtago ay kita ko pa rin iyon, ano!

"I'm upset with myself because I actually came with you."

"Paano 'yan, hindi ako aalis? So, do you plan on being upset forever, o nasa plano mo rin ang mag-sanay?"

"Gago, wala."

Humalakhak siya. "That is definitely meron."

Pakiramdam ko ay namula ang pisnge ko sa pagka-inis. Huminga ako nang malalim habang kinakalma ang sarili. Dapat composed ako! Kasi kung hindi, there's going to be another point for him in our invisible score board!

His phone rang. Maagap siyang tumayo at tinanaw ang labas. As if on cue, a car pulled over in front of the café.

"Aight, sunshine. I gotta bounce."

Okay, loser. Whatever.

I pretended to be busy looking for something outside. Pero hindi siya nagpatinag, kinatok niya ang table para kunin ang attention ko.

I rolled my eyes. "What?"

"Don't miss me much," he said with a wink.

Ampuuu~

I need not to forget that he's a hotshot in this game—his game. He cooks sweet words for breakfast, and eats innocent girls' heart for lunch, all these just so he could sleep satisfied at night.

Something That Will LastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon