six

2.7K 91 10
                                    

Six: Tyler Osmond

"Good morning, Sir."

Luminga ako sa gilid at nakita ang receptionist na nakangiti sa akin. I knew that kind of smile. That smile that was promising me a different kind of good morning.

Leah or Drea...I totally forgot about her name. Basta malapit lang ang tunog sa dalawang iyon. I always saw her look at me like that everytime I go here for Slade before.

Maybe, before, I actually thought of doing something with her. But it was different now. Tenant na ako ngayon dito at empleyado siya. I didn't want to be involved into another prohibited kind of affair.

Tama na 'yung nangyari sa MHU.

That didn't stop me to smile back though. At least, a polite one.

Hindi ko na hinayaan pang magtagal ang tinginan naming dalawa. Umiwas na ako ng tingin, isinuot 'yung sunglasses na nakasabit sa puti kong polo shirt saka dumiretso sa sasakyan kong nakaparada sa labas.

I reached my Explorer and was about to go in when I noticed something in my peripheral view. Kunot ang noo, napunta ang tingin ko doon sa dalawang batang kalye na naroon sa gilid ng convenient store sa tabi nitong building.

In a usual time, I wouldn't mind them really. But there was something that really caught my attention—the basket that one of them was holding. It looked bizarrely familiar.

Hindi ko nga namalayan at tinatahak na ng mga paa ko ang pwesto nila.

"Ang sarap talaga nito, ano?" masayang sabi nung batang lalaking medyo mahaba ang unat na buhok habang kinakain 'yung brownies na hawak.

"Oo nga," segunda nung kasama niya na batang lalaki rin. "Ang bait talaga ni Ate Ganda."

Huminto ako nang malapit na ang distansya sa kanilang dalawa. Hindi ko naman na kailangan pang pukawin ang atensyon nila dahil 'yung isa ay napatingin na sa gawi ko.

Tumigil ito sa pagkain sa butterscotch na hawak saka nagsalita. "May kailangan po kayo?"

Ngumiti ako rito, ipinakita na wala akong masamang hangarin sa kanilang dalawa ng kasama nito. Saka nagtanong, "Gusto ko lang malaman kung saan niyo nakuha 'yang kinakain niyo."

Ang mata ko'y nagpalipat-lipat doon sa mga hawak nilang pagkain.

"Ah, ito po ba?" singit nung isang bata na may hawak ng brownies. Ngumuya-nguya pa ito bago nagpatuloy. "Binigay po ito ni Ate Ganda sa amin kanina."

Ate Ganda? Somehow I had an idea who were they talking about. Hindi na nga sana ako magtatanong pa at hahayaan na lang sila nang biglang nagsalita 'yung isa. "Uy! Hindi ba iyon si Ate Ganda?"

"Oo nga!" nakangiting sagot naman ng kasama at maya-maya pa'y tinawag na iyong tinitingnan nila. "Ate Ganda! Ate Ganda!"

Doon na ako lumingon sa tinitingnan nila. Kahit mayroon na akong ideya kung sino ang kanilang tinutukoy kanina pa, iba pa rin nang makumpirma ko na ito. So, it's really Vanessa.

Pilit ang ngiting nasa labi niya ngayon. Hindi ko mawari kung natutuwa ba na makita 'yung mga bata, o parang guilty dahil nalaman ko na ang ginawa niya sa ibinigay kong pastries.

But then, she instantly got over it. After giving a subtle glare at my direction, she perked her chin up and waved at the kids, now with a full on smile.

Itong dalawang mokong sa likuran ko naman ay makapag-react na parang kinakawayan sila ng artista.

I shook my head as I could not argue with that thought. Because from where I was standing, Vanessa looked really beautiful.

Best for Us (GU #3)Where stories live. Discover now