thirty-seven

1.4K 65 14
                                    


Thirty-Seven: Vanessa Gerleen


'GO to sleep.'

Iyon ang tanging sinabi ni Tyler pagkatapos ng lahat ng ginawa niyang pagtatapat.

And how ironic those words were. As if I could really do that after hearing the things that he said.

Hindi talaga. Pakiramdam ko'y magdamag kong iisipin ang mga bagay na iyon. Pakiramdam ko nga'y kulang ang buong magdamag dahil ilang oras na ba ang lumipas at paulit-ulit ako sa pagrewind nung hinalikan ako ni Tyler.

Marahan kong dinampi ang daliri sa labi, naisip na naman 'yung naglapat ang mga labi namin. At hindi ko na naiwasan pa ang ngiting sumakop sa aking mukha. How long I've waited for that kiss.

And I already gave up of the thought that I'll ever get that from him. Dahil nga sa mga nangyari. Saka sa hinantungan ng relationship naming dalawa, inisip kong hanggang doon lang 'yung pwedeng mamagitan sa amin—platonic.

But obviously, it was more than that.

And Tyler was determined to prove his feelings for me.

I squealed as I covered my face with both of my hands. 

I didn't know when sleep has taken me over. Ang alam ko lang nang marinig ko ang alarm bandang alas sais ng umaga'y ayaw pang bumukas ng mga mata ko. Ayaw pang bumangon ng katawan ko.

Pakiramdam ko'y sobrang kulang pa ng tulog ko. But I couldn't be late at school today lalo pa't may exam kami sa unang subject. Kaya naman nang muling tumunog ang alarm ay nilabanan ko na ang antok at bumangon para makapaghanda.

Forty-five minutes later, I was already opening the door. And almost close it after seeing who was already there.

"Hi," nakangiting bati ni Tyler. "Good morning."

"Good morning," mahina kong sagot.

Inangat niya iyong isang kamay na may bitbit. "Coffee and sandwich? Hindi ka pa naman nagbebreakfast, 'di ba?"

Umiling ako. "Hindi pa."

Mas ngumiti pa si Tyler saka nilapit sa akin iyong dala. "Take this then. Sana magustuhan mo."

Kinuha ko na rin iyon.

Napamasahe siya ng batok. "I could've cooked something to make it more personal but you know how I'm with stoves so..."

Napatawa ako doon, agad na naalala iyong nangyari dati.

"Okay na 'to," sagot ko kay Tyler.

"Let's go, then?"

Tumango ako't umalis na rin kami. During the ride to school, I tried to act normal but failed in every single way. Paano'y paulit-ulit na bumabalik sa isipan iyong nangyari kagabi.

"You don't like the song?"

"Huh?" Nagitla akong napatingin sa gawi ni Tyler na nasa daan ang mga mata.

Binigyan niya ako ng tingin, saka ngumiti. "You keep on sighing. Five times, to be exact."

Bahagya akong napanganga. That was so not the reason. Ni hindi ko na nga napansin na may tumutugtog palang music.

"Sorry," sagot ko. "May naisip lang."

"Ako?" Tyler hinted a small smile on his lips.

I couldn't help the laugh that escaped my lips at his bluntness. But that was something I couldn't deny though.

Best for Us (GU #3)Where stories live. Discover now