forty-three

1.5K 46 4
                                    




Forty-Three: Vanessa Gerleen

TODAY was our third day-sary. Kung may ganoon mang term.

And it could've been better if the previous days were spent of us being together. Kaso hindi. We both had to attend filial duties and sadly hindi kami magkasama buong weekend.

Umuwi ako sa bahay ng Saturday ng umaga. Tyler also had to go to his Ate Teriz' house. Pero hapon pa yung sa kanya kaya nag-alok siyang ihatid ako. But then Kuya Miles already told me na susunduin niya ako sa Montereal Place kaya hindi na rin ako naka-oo kay Tyler.

So it was safe to say na sa texts lang kami nakapag-usap nitong weekend. We didn't had time to talk through the phone. Mahirap lang kumuha ng tiyempo. Yung oras na free ako, may ginagawa pa siya. At nung free na siya, tulog na ako.

That was why I'm too excited to go to school today. And apparently, hindi nakaligtas iyon kay Kuya Miles.

"You seem so excited today," biglang sinabi ni Kuya Miles nang nasa sasakyan na kami papuntang GU.

Agad na nanlaki ang mga mata ko pero agad ko ring itinago ang pagkagulat at umaktong normal lang nang humarap sa kanya.

"What do you mean?" Even my voice, I tried it to sound normal. Wag lang sana niyang mahalata.

"Ang aga mo lang nagising kanina," sagot niya, ang mata'y nasa daan pa rin.

"Ah," umpisa ko't agad na nag-isip ng madadahilan. "Maaga din kasi akong nakatulog kagabi, kuya. Remember, ang aga kong pumasok ng kwarto."

Kuya Miles glanced at me then. He didn't say anything though. Tahimik lang siyang nakamasid sa akin. And I silently hoped he didn't see right through my lie.

Inalis na rin ni Kuya Miles ang tingin sa akin, humugot ng hininga. "Okay."

And I was thankful he just let it go. Kahit pa medyo suspicious na hindi na siya nagtanong pa. Hindi ko na lang iyon pinansin at ipinagpatuloy ang tahimik na pagmasid sa daan. I'll just enjoy this momentary freedom that I have. Ngayong wala pa siyang alam tungkol sa amin ni Tyler. Because I already knew how we would be once he learns about it. Isa pa, hindi pa namin napag-uusapan ni Tyler kung kelan namin sasabihin sa iba ang tungkol sa aming dalawa.

And to be honest, parang ayoko pang isipin ang tungkol doon. Parang gusto ko na lang munang i-enjoy na sa aming dalawa lang muna ito. Without hearing anyone else's opinion about it. I just hope that Tyler would agree with me.

Maaga kaming nakarating sa school. Kuya Miles even commented about how odd it was knowing it's Monday. At tahimik akong sumang-ayon sa kanya. Normally, Mondays have its heavy traffic. Pero kanina'y walang masyadong sasakyan. Iyon, o medyo maaga lang talaga kaming nakaalis ng bahay.

"I'll head this way then," paalam ni Kuya Miles nang pareho na kaming makababa ng sasakyan. Magkabilang banda yung papunta ng building namin.

Ngumiti naman ako sa kanya. "Okay. Lets do well in class."

Ngumiti rin pabalik si Kuya Miles, tumango saka tumalikod na at naglakad papalayo. Habang ako naman ay kinuha agad ang cellphone ko sa bulsa para tingnan iyon kung may bagong text o ano.

At napasimangot ako nang makitang wala alinman sa dalawa ang naghihintay sa akin. Kumunot ang noo ko. Nasaan na kaya si Tyler? Anong ginagawa niya?

Naglaro yung daliri ko sa call button, iniisip kung tatawagan ba siya. Sa huli'y napabuntong hininga na lang ako, ibinalik yung cellphone sa bulsa. He might be driving now. It would be careless to call him. Kaya naglakad na lang ako papuntang Music building.

Sa classroom, mangilan-ngilan pa lang 'yung tao. Proof na maaga nga ako. At bumalik ang ngiti ko sa labi nang makitang naroon na si Ren sa pwesto niya. Tila alam na naroon na rin ako, umangat ang tingin niya, ngumiti at kumaway nang makita ako.

Best for Us (GU #3)Where stories live. Discover now