forty-six

1.1K 31 4
                                    

Forty-Six: Tyler Osmond

MY HEART broke as I watched Vanessa. Tumahan na siya sa pag-iyak pero bakas pa rin ang lungkot sa mata niya. She already called Prof. Davila, yung head nung play nila. And their talk turned out okay. The professor was frantic as to what will happen to the play pero sa huli ay inaalala din si Vanessa at sinabihang magpagaling. She also assured her na gagawa na lang sila ng paraan.

And I was thankful na ganoon ang nangyari. Dahil kung nagkataon na pagalitan niya si Vanessa, susugod talaga ako doon sa auditorium.

Sunod namang tinawagan ni Vanessa yung parents niya na nagsabing dito na lang sa clinic didiretso. And it didn't take long before both of her parents were rushing inside.

"Van, baby, what happened?" Tita Gemma worriedly asked. Agad siyang lumapit doon sa kinalalagyan ni Vanessa.

Napunta naman ang tingin ko kay Tito Ricardo. I courteously nodded at him. He smiled back a bit. Sumama na rin siya sa asawa sa pangungumusta sa anak.

"Hindi ba nila chinecheck 'yung kinakain niyo? Bakit ganyan 'yung napakain sa'yo? Should I file a complain?" sunod-sunod na tanong ni Tita Gemma.

"No, Mommy," tutol naman ni Vanessa. "No one's at fault here. Hindi rin naman po ginusto 'to nung naghahanda ng pagkain. Saka mabuti na lang din po at kaunti lang po kaming nabiktima. At okay naman na rin po ako."

"Okay, I won't file a complaint anymore. But still, someone should be held responsible for this. I can't bear na maulit pa 'to," sagot ni Tita Gemma. "And we will get second opinion. Dadalhin ka namin ng Dad mo sa hospital para matingnan kung okay ka na talaga."

Vanessa didn't answer anymore.

"Kakausapin ko lang 'yung doctor dito," sabi ni Tita Gemma at akmang lalabas na ng silid nang magawi ang tingin sa akin.

Her brows scrunched up. "Tyler, hello, hijo. I'm sorry if I didn't notice you earlier," aniya saka lumapit sa pwesto ko.

I smiled at her reassuringly. "It's okay po, Tita."

"Sobra lang akong pinakaba ng batang 'to," aniya at napailing-iling pa saka inabot ang balikat ko at dalawang beses na tinapik iyon. "Salamat nang marami sa pagdala dito kay Vanessa. We owe you a lot."

Umiling ako. "No worries po, Tita."

"Okay na kami dito. Baka kailangan mo nang bumalik sa klase mo?"

Napatigil ako. I took a glance at Vanessa and sighed when I saw that she's already looking at me. Her face was expectant of my answer too.

And before any of her parents get suspicious, I moved my gaze away, bringing it back to her mother.

To answer her question, I didn't have to. Wala na kaming klase. And what I really needed is to be at Vanessa's side. Lalo pa sa estado niya ngayon. Gusto ko pa siyang samahan kahit sa pagpunta nila ng ospital.

But by doing that, alam kong magtataka ang mga parents niya. And even if today's the day we initially agreed to tell them about us, I know it was no longer the right time after what happened.

Ngumiti na ako kay Tita Gemma. "Wala na po kaming klase so okay lang po. But I'll get going na din po. Dadalaw pa po ako kay Daddy."

Tumango-tango si Tita Gemma at binigyan din ako ng ngiti. "Sige, hijo. Salamat ulit. And pa-hi na lang ako sa Dad mo and kay Juliet."

"Okay po."

"Mag-iingat ka," pahabol pa ni Tita Gemma. "Sige, labas na ako. Kakausapin ko pa 'yung doktor."

I nodded as I smiled at her one last time before walking near to Vanessa.

"Una na ako," paalam ko. "Pagaling ka."

Best for Us (GU #3)Where stories live. Discover now