forty-five

1.3K 33 3
                                    

Forty-Five: Vanessa Gerleen

"Vanessa, are you okay?"

Napatingin ako kay Grayson na ngayon ay nakaabang sa akin. And the thing is, hindi ko alam kung anong inaabangan niya.

I heard him say something but I was not paying attention. Mula kaninang mag-aanounce ng break si Prof. Davila ay nasa dalawang tao na ang atensyon ko.

At dahil wala naman akong ibang masabi ay nagsabi na lang ako ng totoo. "Sorry, may sinabi ka ba?"

Imbis na sumagot ay bahagyang napangiti si Grayson saka siya marahang umiling. "Ganun ba ako kaboring kausap? Lumilipad yang isipan mo."

Na-guilty naman ako bigla. Hindi naman dahil sa ganun. "Sorry," hingi ko ulit ng paumanhin. "Hindi naman sa gan'un. Medyo marami lang ang iniisip ko."

Tinitigan niya ako pansamantala, na tila ba naninimbang ng sinabi ko. Hanggang siya ngumiti na naman siya. "Are you stressed? I know how to take that away. Sama ka sa amin mamaya, we'll go to this newly opened arcade. Malapit lang naman dito."

Malungkot akong napangiti kay Grayson. "Sorry," sabi ko na naman. Pang-ilang ulit na ba 'to? "May plano na kasi ako para mamaya eh."

Halata naman ang pagkadismaya sa mukha niya na mabilis niya ring naitago nang ngumiti siyang muli. At dahil tila nais kong bumawi sa pagtanggi ko'y aking hinabol. "Don't worry. Promise, isang beses, sasama ako sa inyo."

Agad na mas lumapad ang ngiti sa labi niya. "Really? That's great. I'll look forward to that."

At ngiti lang ang sinagot ko sa kanya hanggang sa mag-announce na naman na tuloy na muli ang rehearsal.

Sa labas na ako ng school dumiretso nang matapos ang rehearsal. Hindi na nagtext pa o tumawag si Tyler. At medyo nagwoworry na ako kung nasaan na 'yun. Hindi man lang niya sinagot iyong text ko kanina na mauna na siyang umuwi dahil nga baka matagalan pa ako dahil sa rehearsal.

Wala man lang pagconfirm. Napabuntong-hininga ako. Pero, baka naman lowbat na kaya't hindi nakapagreply.

Bumalik na ang atensyon ko sa mga dumadaan na sasakyan. Ngunit parang lahat 'ata ay puno. Hindi ko naman matukoy kung bakit. Hindi pa naman rush hour.

At naroon pa rin ang tingin ko nang may marinig akong bumisina. Napatingin ako sa puting Tucson sa tabi. Bumukas ang bintana noon at ang nakangiting si Grayson ang bumungad sa akin.

"Need a ride?" nakangiti niyang tanong.

At dahil mukhang hopeless na ring makahanap agad ng masasakyan, tumango na din ako.

Nagsuot ako ng seatbelt at pinaandar na rin ni Grayson ang sasakyan.

"Sa Montereal Place lang ako," sabi ko. "Um, akala ko sa arcade kayo ngayon? Hindi kayo natuloy?"

Napangiti siya't umiling. "Marami din nagback out eh. Siguro sa susunod, saka para kasama ka na rin."

Ngumiti lang ako at ipinokus na ang tingin doon sa bintana, tahimik na tinanaw ang bawat madaanan namin.

Nabalot na rin ng katahimikan ang loob ng sasakyan hanggang sa maabot na namin ang street ng condominium. Inihinto ni Grayson ang sasakyan sa harap at kinalas ko na rin ang seatbelt. Ngunit bago pa buksan ang pinto'y mayroon akong naisip gawin.

Humarap ako kay Grayson saka nagtanong, "Gusto mo ng milktea?"

"Thank you ulit ha," muling sambit ni Grayson nang makaupo kami doon sa bakanteng table ng café sa ground floor ng condominium. "You don't really have to buy me this though. Hinatid kita nang maluwag sa kalooban ko."

Best for Us (GU #3)Where stories live. Discover now