nine

2.3K 73 6
                                    

Nine: Vanessa Gerleen

I couldn't believe what just happened. He just walked past me like I was not kneeling down here on the floor and didn't need help.

Ang totoo, muntikan ko na nga ring isipin na kaluluwa na lang ako dahil parang kanina pa walang nakakakita sa akin at nakakapansin na kailangan ko ng tulong. Una na iyong receptionist. Hindi man lang ito umalis ng pwesto para tulungan ako kahit sandali, tapos sunod nga si...Tyler. Na walang pakundangan lang na dumaan.

Kung hindi lang dumating iyong isang empleyado dito para tulungan ako'y talagang iyon na ang iisipin ko.

"Salamat," sabi ko sa lalaking tumulong sa akin. Hindi lang nito pinulot iyong mga dala ko kundi ito na rin ang nagbuhat ng mga iyon hanggang sa labas ng unit ko.

"Wala po iyon, ma'am," magalang nitong sagot saka inabot 'yung mga plastic ng mga tinapay sa akin. Nang makuha ko na iyon ay nagpaalam na ito. "Sige po, mauna na ako."

Tumango lang ako't tumalikod na ito papuntang elevator. Habang ako naman ay pumasok na sa loob ng unit saka pinatong doon sa mesa iyong mga dala, itinabi doon sa ilang plastic bag na nauna nang naroon. I bought the others after school. Bumalik na lang ako para bumili ng pandagdag dahil nagkulang na iyong pera ko saka nakalimutan kong dalhin 'yung card.

Pinagmasdan ko ang mga tinapay. There were about two hundred breads.

Half day lang kasi ako bukas kaya't iniisip kong dumalaw sa Golden Lives Homes-isang bahay-kalinga para sa mga matatanda na. I've been an active volunteer there since I was sixteen. Iyong kaibigan ni Mommy ang nag-introduce sa amin doon. At magmula nga noon, madalas na akong bumibisita. Ang totoo nga'y doon ako nag-celebrate ng 18th birthday ko two months ago.

Marami-rami na nga akong kaibigang mga lolo't lola doon. I just really had a soft spot for them since I didn't get to spend so much time with both of my grandparents. Isa pa, ang pinakarason talaga ay ang mga yumao kong magulang. I always thought of how they would be once they get old.

Paano ko sila aalagaan, paano kami bilang pamilya. And since I would not longer see that, experience that, I thought of just giving my care now for other elders.

Pinunasan ko ang ilang patak ng luha na tumulo mula sa aking mga mata't napabuntong-hininga. Kinuha ko na lang isa-isa ang mga tinapay sa plastic at sinimulang lagyan na iyon ng mga naiprint na quotes sa sticker paper.

This is what I do all the time. I put quotes about life in their food. Tapos hinahayaan kong basahin nila iyon. Sa mga malalabo naman na ang mga mata'y ako ang nagbabasa para sa kanila. And I felt really happy everytime I see their reactions to the quotes.

Kinaumagahan, maaga akong gumising. Kahit pa medyo late na akong natulog dahil sa ginawa kagabing pagdikit ng mga quotes ay pinilit ko pa ring gumising ng maaga.

Because I couldn't let yesterday happen again. Kung gusto kong makasakay agad papuntang university ay kailangang maaga rin akong umalis.

I heard the ding of the elevator and I smiled reaching the ground floor. Naglakad na ako sa lobby papunta sa double doors. Ngunit nang makalabas doon ay natigilan ako dahil ilang hakbang mula sa kinatatayuan ko'y naroon si Tyler. Nakabihis na rin ng pang-alis at sa kanang kamay nito'y mayroong bitbit na paperbag.

"Aga natin, Sir, ah," dinig kong sabi nung guard.

Mahinang natawa naman si Tyler dito at tumigil din sa paglalakad. "May dadaanan eh."

"Babae po?" kuryosong tanong nung guard.

Hindi sumagot si Tyler at natawa lang ulit. But he didn't have to say yes to know that's the answer. Halata naman kasi.

Best for Us (GU #3)Where stories live. Discover now