thirty-three

1.5K 55 2
                                    

Thirty-Three: Vanessa Gerleen

There was something in the air. Tension. And not the good kind.

At hindi ko alam kung ako lang ang nakadama noon. Maybe I was not the only one because the whole time since I entered this hall and found Tyler, my eyes never left him. At sapat na siguro iyong mga panahon na nakasama ko siya para masabing hindi siya okay ngayon.

And I didn't get a chance to talk to him. Dahil matapos maipakilala ni Quentin bilang date niya—na hindi ko na ring nagawang itama pa—hinila na ako ni Quentin patungo doon sa mga table.

At nang nilingon ko si Tyler ay nawala na siya sa pwesto niya.

"Are you okay?"

I looked at Quentin and gave him a small smile. Siguro'y kanina niya pa napapansin na ilang beses akong napabuntong-hininga. Paano, we were in a separate table from my family. Ang totoo'y dalawa lang kaming nandito habang ang dalawa pang extrang upuan ay bakante.

I was not really aware na ganito ang magiging set-up naming ngayong gabi. I really thought I'll be with my family since sila naman ang kasama kong pumunta dito.

"Okay lang," sagot ko kay Quentin. Pero ang totoo'y gustong-gusto ko nang pumunta doon sa pwesto nina Mommy. If not for Tita Juliet who kept on looking at us from her seat with Tyler's dad, kanina ko pa iyon ginawa.

Kanina ko lang din nalaman na ang daddy ni Tyler ang mapapangasawa ulit ni Tita Juliet. And sure, I was so surprised. Not really expecting that. Kaya nga grabe lang ang pagkagulat ko nang makitang narito si Tyler tapos nung dinala na ako ni Quentin sa mommy niya at kay Tito Michael, my shock just doubled.

Sobrang liit lang talaga ng mundo.

The official announcement of the couple was already done. Kani-kanina lang. Kaya nga doon na malapit sa centerstage nakapwesto ang mag-fiance. Ngayon ay mayroon na lang kumakantang singer doon sa gitna. Intermission.

My eyes couldn't help but wander around, looking for someone, but failed. Hanggang ngayon ay hindi ko na siya nakita pa. Saan kaya nagtungo si Tyler?

When the singer was done with his current song, he announced that in the next one, couples were invited to take over the dance floor. Una nang nakita kong tumayo sina Tita Juliet at sinundan pa ng mga ibang couples. Including mom and dad. I smiled at them.

Saka napunta ang tingin ko kina Kuya Miles at Ate Kimberly. By the looks of it, mukhang si Ate Kimberly yung nag-aaya kay Kuya Miles. But the latter was persistently shaking his head no. Mahina akong natawa.

Doon ko narinig ang pantawag ni Quentin sa pangalan ko.

Tumingin ako sa kanya at nakitang nakangiti siya na parang may gustong hinging pabor. At hindi naman ako manhid para hindi malaman kung ano iyon.

Kaya't habang wala pa siyang sinasabi ay nagsalita na ako. "I'll just go to the restroom."

Quentin's face showed a hint of disappointment. Pero agad din iyong nawala nang bigyan niya ako ng ngiti. "Sure, I'll wait for you here."

Ngumiti rin ako pabalik saka tumayo na at dumiretso ng restroom.

I did nothing when I went inside. Just checked my reflection and breathed. Especially, the breathe part. I suddenly looked for my phone. Ito na ang pagkakataon para macontact ko si Tyler. But then I remembered I left my purse on the table. I sighed. Siguro ay makikita ko rin naman siya mamaya.

Muli pa akong tumingin sa salamin bago nagdesisyong bumalik na. Kung sobrang tagal ko'y baka magtaka na si Quentin. At kung gusto niya pa rin akong ayaing sumayaw ay wala na akong magagawa pa kundi ang pumayag.

Best for Us (GU #3)Where stories live. Discover now