Unang Pagtatagpo

1.2K 55 43
                                    

2 years after...

"Nasaan na naman si Elissia?" lumabas ng villa si May.

"Baka tumakbo na naman sa iyakan niya, nag away na naman ang mag-ate!" bumaba si Kath galing sa taas ng puno.

"Yung dalawa na yun kahit kailan hindi na nagkasundo. Ate kath tawag ka ni atty. Tatay nasa office siya!" sabi ni May bago umalis papunta kung nasaan si Elisse.

"Sige!" sagot ni Kath.

Sa isang banda...

"Marco sigurado ka bang kabisado mo itong lugar na ito?" tanong Quen.

"Oo naman!"

"Kuya can you wait for me?" habol ni Edward.

"Sabi ko naman kasi sa inyo huwag ninyo ng isama yan bubwit na yan. Dahil sa kanya Lalo lang tayong tumatagal!" medyo naiinis na sabi ni DJ.

"Kuya, what's bubwit?"

Napatirik na lang mata si Mccoy sabay suot ng headset nito at tuloy-tuloy naglakad sa lugar na hindi naman niya alam kung saan sila patungo.

"Pwede ba Ed, you shut-up!" naiinis na sabi nito sa kapatid.

"Uy Mccoy saan ka pupunta hindi diyan ang daan!" hinabol ito ni Marco.

"Bakit ba?" inis na sabi ni Mccoy nang bigla siyang hatakin ni Marco.

"I said that's not the way?"

"Ano?" hindi naririnig na sabi ni Mccoy.

Hinablot ni Marco ang nakapasak sa tenga nito.

"Ang sabi ko hindi diyan ang daan!"

"Akin na nga yan!" sabay bawi nito sa headset niya.

"Edward.. Edward?!!!!!!!"

"Oh ano problema na!?" tanong ni DJ.

"Si Edward kanina lang nasa likod natin ngayon wala na?!" sabi ni Quen.

"Ay naku naman talaga, sinabi ko na kasing huwag nang isama!"

"Pre, si Mccoy nawala na sa paningin ko!" sabi ni Marco.

"Ano ba yan ang kukulit ninyong badtrip!?" reklamo ni DJ.

"Mabuti pa hanapin na natin ang dalawa!" sabi ni Marco.

"E paano nga ang laki-laki ng gubat na ito!" sigaw ni DJ.

"Kailangan makita natin si Edward kundi lagot ako nito kay Mommy!" kinakabahan sabi ni Quen.

"Dapat maghiwalay-hiwalay tayo para mas mabilis natin makita yung dalawa!" sabi ni Marco.

"Loko ka ba? Di lalo tayo naligaw kung maghihiwalay pa tayo!" galit na galit sabi ni DJ.

"Magradyo na lang tayo sa isat-isa para mas madali tayo makauwi. Hindi natin sila mahahanap kung magkakasama tayo!" sani ni Marco sabay kuha nito ng mga radyo sa backbag nito.

"FU ka may radyo ka pala bakit ngayon mo lang sinabi!" sabay hablot nito sa hawak ni Marco.

"Okay Quen doon ka magsimula kung saan mo huli nakita si Edward. Ikaw DJ left wings ka, ako naman dito sa nilusutan ni Mccoy!"

Umalis na ang dalawa at tiningnan ni Marco kung
saan pumunta .

"Taytay over?" radyo ni Marco.

"Yes anak!" sagot nito.

"Mission accomplished na po!"

"Very good son, bumalik ka na dito and enjoy watching the four pairs!"

Four Seasons of LOVEWhere stories live. Discover now