Siya Na Nga!

627 51 28
                                    

1950's

Walang pagsilan ng kaligayahan ang pakiramdam ni Sylvestre ng maranig niya ang matamis na oo ni Maria. Kaya kahit sa eskwelahan ay palaging nais niya madaliin ang oras para makauwi at masundo ang iniirog niya.

"Wow Sylvestre na perfect mo naman ang pagsusulit natin at nitong mga huling araw parating kang nakangiti, nagmamadali pag-uwian. Umamin ka may nobya ka na no?" hirit ng kaklase niyang si Renato at isa sa mga naging malapit sa Unibersidad.

"Merun na nga at kailangan kong magdali sa pag-uwi kasi masyadong maganda ang iniirog ko at madaming may gustong maghatid sa pag-uwi niya kahit pinaalam niya na may nobyo na siya!" nililigpit na ni Sylvestre ang mga gamit niya.

"Sabi ko na, gusto ko tuloy siyang makilala kasi base sa mga ngiti mo mukha talagang napapasaya ka niya!".

"Dati pa naman niya akong napapasaya kahit noong mga bata kami pero syempre iba na ngayon dahil kasintahan ko na siya!".

"Buti tanggap ka ng mga magulang ng iniirog mo?".

"Wala akong problema sa magulang ni Maria, masuwerte ako dahil pinagkakatiwalaan na nila ako simula noon pa!".

"Taga Saan ba yan kasintahan mo at mukang sulit na sulit pagmagkasama kayo!".

"Oo naman sulit talaga kasi magkasama kami sa bahay!".

"Wow naman Sylvestre ang suwerte mo, huwag mong sabihin nagsasama na kayo. Ayos libre ano...!" sabay ngiti nito.

"Libre ano?" nagtataka ng tanong nito.

"Alam mo na, yung ano!".

"Ano nga? Renato sabihin mo kasi hindi ko maintindihan!" medyo naiinis na si Sylvestre sa paraan ng pagngisi nito.

" Ano ka ba naman Sylvestre alam mo na iyo! Yung makasama siya sa isang kwarto at gawin ang ginagawa ng mag-asawa. Kaya pala wala kang problema sa mga magulang ng iniirog mo! " nakangiti sabi nito.

Tuluyan naman nainis si Sylvestre sa iniisip nito tungkol kay Maria. Kaya bago pa niya ito masuntok ay pinilit na lang niya iwanan ito. Pero bago tuluyan lumabas sa silid muli niyang binalingan si Renato.

"Renato hindi ganun klaseng babae si Maria, kaya sana ito na ang huli natin pag-uusapan ang tungkol sa madumi mong utak!" sabay talikod ni Sylvestre.

Hanggang sa makarating siya sa pinapasukan ni Maria ay dala pa rin in Sylvestre ang inis dahil sa usapan nila ni Renato.

"Uy... Sylvestre... Irog??!!!??" nagtatakang tanong ni Maria.

"Uy kanina ka pa diyan?" tanong ni Sylvestre na bahid pang gulat.

"Oo?!! Ano iniisip mo? Hindi mo man lang ako napansin na nakalapit na ako sayo?" nagtatakang sabi ni Maria.

"Wala.. Wala tara na?" aya nito.

"Sige, pero sigurado ka bang ayos ka lang?" nagtataka pa rin tanong ni Maria.

Pero hindi na sumagot si Sylvestre at diretsong tumayo ito para kunin ng mga gamit niya.

Ramdam ni Maria na may bumabagabag sa isip ni Sylvestre. At nais niyang malaman kung ano yun. Nang dumating sila sa bahay ay agad niyang hinatak si Sylvestre sa upuan sa ilalim ng puno.

"Sabihin mo na?" sabi ni Maria.

"Huh? Wala nga ito marahil pagod lang ito dahil katatapos lang ng pagsusulit!" pagkakaila nito.

"Alam mo ba sobrang kilala-kilala kita, sa tagal ba natin naging magkaibigan. Kaya alam kong may problema ka at bumabagabag diyan sa isip mo. Ano ba kasi iyon irog ko!" paglalabing ni Maria sa kasintahan.

Four Seasons of LOVEحيث تعيش القصص. اكتشف الآن