Duda!

703 53 22
                                    

1950's

Nang matapos ang libing ni Anna kapansin pansin rin ng pag-iiba ni Rosa. Lagi itong nakapustura at lagi lumalabas tuwing gabi. Naging usap-usapan sa bayan na nakikita raw ito sa isang bahay aliwan sa kanilang bayan. Nakatambay na wari laging may hinihintay. Gusto ng tanungin ni Sylvestre kung ano ang nangyayari sa kaibigan kaso halata sa kilos nito na may galit ito sa kanya.

Isang araw nasa bukid si Sylvestre at tahimik na nagsasaka.

"Sylvestre... Sylvestre madali ka. Pumarito ka muna at may sasabihin ako sa sa iyo!!" tawag sa kanya ni Nardo.

"Bakit po ka Nardo?" nagtatakang sabi ni Sylvestre habang palapit rito.

" Si Maria pilit isinasama ng mga tauhan ni Don Miguel. Nandoon sila sa Gapan naghihilahan!" sabi nito.

Dali-dali siyang tumakbo papunta sa Gapan para puntahan si Maria.

"Panginoon ko, wala naman po masasamang mangyari kay Maria!" dalangin ni Sylvestre.

Nang makarating siya sa Gapan at agad niyang nakita ang mga taong nagkukumpulan. Dali-dali niyang hinawi ang mga tao para makita si Maria. Hindi naman siya nabigo dahil nakita niya si Maria na yakap ni Rosa. Umiiyak ito at nanginginig sa takot.

"Maria........" sabi niya.

Agad naman nakita siya nito at dali-dali ng lumapit ang dalaga at yumakap.

Sylvestre! " umiiyak ito na parang walang katapusan.

" Pakisabi kay don Miguel na pupunta ako sa mansyon mamaya. Ako bahala na magsabi ng dahilan kung bakit hindi sumama si Maria sa inyo! " matapang na sabi nito.

" Sige po binibini Rosa! " tumalikod ang mga ito at umalis.

Tumingin naman si Rosa sa mga taong nakapaligid sa kanila.

" Sige po, maaring na po kayong bumalik sa inyong ginagawa tapos na po ang palabas! " halata sa tinig nito ang pagkasarkastiko.

Nagbulong-bulungan ang mga tao habang paalis na ito sa kanilang pwesto.

"Maria, tahan na ako na ang bahala magpaliwanag kay Don Miguel!" sabi nito habang inaayos ang buhok niya.

"Rosa, natatakot ako paano kung gawin din niya sa akin ang ginawa ang ginawa niya kay Anna!" sabi ni Maria sa pagitan ng iyak.

"Hindi Anna, hindi ako papayag na Maria madapuan ni isa daliri mo ng kasamaang ng demonyong iyon!" sabi ni Rosa.

"Paano kung sayo naman gawin iyon Don Miguel?"

"Kaya ko ang sarili ko, kaya Sylvestre kahit anong mangyari huwag mong hayaan may mangyaring masama kay Maria!" seryosong sabi ni Rosa sa kanya.

Tumango lang si Sylvestre habang nakatingin kay Rosa.

"O siya iuwi mo na si Maria, nang makapagpahinga na siya!" sabi ni Rosa.

"E ikaw?" tanong ni Sylvestre.

"Pupunta ako sa mansyon para kausapin ang don!"

"Rosa---!" halos sabay na sabi ni Maria at Sylvestre.

"Huwag kayo masyadong mag-alala, gaya ng sabi ko kaya ko ang sarili ko diba. Kailangan kong iligtas ang puri ni Maria bago pang may mangyari sa kanya!"

"Maria, huwag na lang kaya? Uuwi na lang ako sa Lafuna para hindi na ako kulitin ng demonyong yun!"

"Mayaman si Don Miguel, kahit saan ka magpunta kaya ka niyang sundan. Isa lang ang naiisip kong paraan para hindi ka pag-iinitan ng don!" seryosong sabi nito.

Four Seasons of LOVEWhere stories live. Discover now