Pagsasama

679 59 41
                                    

1950's

"Anong ibig sabihin nito?" nagtatakang sabi ni Maria.

Nang bumaba sila ni Rosa buhat sa sasakyan nakita niya si Sylvestre na nagpapanik ng ilang gamit.

"Ay apo napakaga pala ng alis natin madilim pa sa daanan!" sabi ni Tata Estong.

Lumapit sila Rosa sa matanda at nagmano at sinahan kung saan ito mauupo. Si Maria naman ay lumapit kila Sylvestre at sa tatay niyang tumutulong sa paglalagay ng bagahe nila.

" Sabi ko naman sayo baka mamiss kita kaya sasama na lang kami sa inyo!" nakangiting sabi nito.

"Sylvestre paano ang bukid? Huwag mong sasabihin?".

"Oo yun na ang sagot, ang ganda mo kasi!" biro ni Rosa nang makalapit silang mag-asawa.

"Bakit Sylvestre?" tanging nasabi ni Maria.

Ngumiti lang si Sylvestre saka nagsabi.

"Tata Estong ayos na po ang lahat, tata Berting aalis na po tayo! Tara na Maria medyo malayo pa ang Maynila baka abutan na tayo ng liwanag sa daanan" aya nito sa kanya.

Bumalik ulit sila ni Rosa kung saan siya nakaupo sa sasakyan. Tahimik lang siya sa buong byahe kung minsan naman ay nagpapanggap siyang natutulog para hindi siya kausapin ng mga kasama niya sa saaakyan. Tahimik siya kasi iniisip pa rin niya si Sylvestre.

"Bakit kaya siya sumama sa amin? Dahil ba sa akin? Imposible, marahil nalulungkot tata Estong dahil kami lang ang halos malapit sa kanila. Pero sobra naman ang sakripisyo nila para sa amin. Hindi biro ang bukid at bahay. Kung tutuusin nakakaluwag sila kompara sa amin. Pero pinagpalit pa rin nila iyon para sa amin.... para sa akin!! "  nakatulugan ni Maria ang mga naiisip.

Tuluyan na rin lumatag ang liwanag sa paligid. Pagkatapos nilang dumaan sa napakalaki at napakaluwag na daanan ito  sinusuong naman nila ang makipot na kalsada. Dumadami na rin ang mga bata at mga tao na nasa kalsada. Huminto ang kanilang sa sasakyan sa isang maliit na daanan at agad lumabas si tata Berting. Ginising ni rmRosa si Maria at iba pang kasama nila sa sasakyan.

Pagkababa nila ay agad nakita nilang may kausap si Tata Berting na lalaki.

"Ito na ba ang pamilya mo Berting?" tanong ng lalaking kausap ng tatay  ni Maria.

"Si Josepina asawa ko, ito dalawang makulit  na bata ay sina Limuel, Nita at ito naman ang panganay ko si Maria!" sabay turo ng tatay niya sa gawi nila.

"Kaya naman pala napapag-initan siya sa inyo, kakaiba ang ganda ng dalaga mo!" sabi nito.

"Ahemmm saan ko po ilalagay ang gamit namin!" agaw pansin ni Sylvestre sa pagkakatingin nh lalaki kay Maria.

"siya nga pala Lito ito naman ang mabuting kapitbahay namin si Tata Estong ang kababata ni Maria na sina Sylvestre, Rosa at ang asawa niyang si Jaime!" pakilala ng tata Berting.

"Kinagagalak ko kayong makilala ako nga pala si Lito ang kaibigan matalik ni Berting!" pagpapakilala nito sa sarili.

"Halina kayo sa inyong titirhan at mailagak nyo na sa loob ang mga gamit ninyo!".

Pumasok sila sa isang bakuran, maaliwalas  at may malaking paligid ang kinatitirikan ng isang simpleng bongalong bahay.

"May ilang mga gamit na rin naiwan dito ang dating may ari kaya pwede na ninyong gamitin. Pare ito ang titulo mg lupa kasama na rin ang isa pang titulo ipanangalan mo kay Sylvestre Reyes!" sabay abot ng isang malaking envelop.

"Sylevestre, halika dito anak!" tawag ni Tata Berting.

"Hindi pa man, anak na turing ni Tata Berting. Kasal na lang ako kulang noh, Maria!" sabay bungo ni Rosa sa tagiliran Maria.

Four Seasons of LOVEWhere stories live. Discover now