Kamatayan at Pag-aalala

545 51 11
                                    

1950's

Mabilis tumakbo ang araw, buwan at taon akalain mong nakakadalawang taon mula nang umalis ang pamilya ni Maria at Sylvestre sa San Clemente. Madami man nanyari pero matatagtag pa rin ang relasyon nilang dalawa. Ilan beses na rin nakarinig si Maria na dapat ay magpakasal na silang dalawa mula sa ilang kakilala. Pero tinatawanan niya lang ito.

"Sylvestre ang aga mo ngayon, wala ka naman bang pasok?" Nagtatakang tanong ni Maria nang maabutan niya itong nagsasaing sa likod bahay.

" Gusto kong pasilbihan ang aking irog kaya ako na ang magluluto ng iyong agahan!" sabay ngiti ni Sylvestre sa kanya.

" Ay sus pagkatamis mo naman irog ko, masyado mo akong sinasanay baka pag ikaw umalis ay hanap-hanapin ko yan!" sagot ni Maria.

"Huwag kang  mag-alala irog ko, ako naman ay walang balak umalis. Dito lang ako sa tabi mo, aalagaan ka at mamahalin ng wagas!" sige pa rin ang banat ni Sylvestre.

" Tama na itong bolahan natin ako'y maliligo muna yaman din lamang na hindi ka pa tapos diyan!" sabi ni Sylvestre.

"Tamang tama irog ko nakapagpakulo na ako ng tubig para sa pampaligo mo!" sabi nito.

"Uy ang aga-aga naman ninyong maglambingan baka imbes na sinain yan maging biko yan!" hirit ni Nana Josefina.

"Si nanay talaga humirit na naman, makaligo na nga!" apila ni Maria.

Katatapos lang maligo ni Maria nang biglang tumakbo ang nanay niya para tawagin sa likod bahay si Sylvestre. Dali-dali naman sumunod ang binata at pumasok sa kwarto ni tata Estong.

"Nay bakit po? Anong nanyari?" tanong ni Maria.

"Si tata Estong parang hindi na makahinga!" sabi ni  nay Josefina.

"Ano po?!" Pero dali-dali tumakbo si Maria sa silid ni Tata Estong.

Nakita niyang nakaupo sa gilid ng katre ni tata Estong si Sylvetre umiiyak at pailing - iling sa sinasabi ni tata Estong. Lumapit siya sa maglolo at nakita niyang naghihingalo na si Tata Estong.

"Apo Maria!" mahinang tawag sa kanya ni Tata Estong.

"Tata Estong pumunta na po si tatay kila Macario nanghiram  na kami sa sasakyan. Kapit lang po pupunta tayo ng pagamutan!" naiiyak na rin sabi ni Maria.

"Maria apo aalagaan mo si Sylvestre, alam kong lahat ng sakripisyo kaya mong ibigay sa kanya sapagkat mahal mo siya. Sayo ko ihahabilin ang kaligayahan niya!".

"Tata Estong naman e, huwag na po kayong magsalita ng ganyan. Dadahil ka namin sa pagamutan!".

"Lagi mong iisipin ang kinabukasan mo at aalagaan mo iyong sarili!" baling ni tata Estong kay Sylvestre

Yun na ang huling mga salita ni Tata Estong bago siya pumikit. Umiyak si Sylvestre at nagsisigaw.

****

Ikatlo at huling gabi ng lamay ni Tata Estong maraming nakiramay sa maglolo dahil na rin sa taglay na kabaitan nito. Hindi man nagsasalita si Sylvestre pero ramdam ni Maria ang matinding pahihinagpis nito sa pagkawala ng abuelo. Hindi umalis si Maria sa tabi nito kahit pa ilang ulit pa nito sinabing maayos lang siya at kaya niyang asikasuhin ang burol ni tata Estong. Siya mismo ang nag-aasikaso kay Sylvestre simula sa pagkain hanggang sa makapagpahinga ito ng kaunti.

"Sylvestre magpahinga ka na ako na ang bahala mag-asikaso dito. Bukas ay mas kakailanganin mo ng lakas sa paghatid natin kay tata Estong sa huling hantungan!"sabi ni Maria nang lapitan niya ito.

"Mag-isa na ako Maria, iniwan na nga ako ni nanay. Ang tatay ko hindi ko alam kung nasaan tapos ang tata Estong na tumayo bilang ama kinuha na ng Poong Maykapal!" hindi mapigilan ni Sylvestre ang pagdaloy ng luha niya.

Four Seasons of LOVEWhere stories live. Discover now