Pangako

723 53 9
                                    

1950's

Mabilis ang kaganapan sa buhay ni Anna. Pagkatapos niyang ikasal kay don Miguel nagpatutohanan na,nagdadalangtao nga ito. Simula rin ng ikasal  ito wala ng taong nakakalapit rito. Hindi alam nila Maria at Sylvestre kung bakit pati sila ay kabilang sa mga tao hindi na pwedeng makipag-usap sa kabigan. Samantalang si Rosa malayang nakakalabas masok sa masyon ni Don Miguel. Isang araw naisip na dalawin nila Maria at Sylvestre si Rosa para makabalita kay Anna.

"Kayo huh lagi kayo magkasama huwag nyo sabihin kayo na!" sabi ni Rosa.

"Si Rosa kami na naman nakita mo alam mo naman bata pa ako para sa mga ganyan!" nakangiting sabi ni Maria.

"Pero Sylvestre hindi na bata, makisig at simpatiko na lalaki. Tingnan mo naman kahit maghapon nakababad  sa bukid hindi umiitim. Kitang-kita rin ang kagandahan lalaki niya dahil sa lahi nitong banyaga!" sabay tingin ng makahulugan Sylvestre.

Bigla naman napatingin sa ibang bahagi ng bahay nila Rosa si Sylvestre. Pakiramdam niya parang may ibang kahulugan ng mga tingin at mga salita ni Rosa sa kanya. Hindi lang pala ang nakapansin nun, si Maria nagtataka man pero agad din niya iniba ang ang usapan para mapalitan ang namumuong tensyon sa pagitan nilang tatlo.

"Naparito pala kami para makibalita sa kalagayan ni Anna. Hindi na kasi namin nakakausap ang kaibigan natin!" sabi ni Maria.

Tumingin si Rosa kay Maria.

"Kahit nakakalapit ako sa kaibigan natin hindi ko rin naman siya nakakausap dahil hindi siya nagsasalita. Sa totoo lang nag-aalala ako sa kanya lalo't pa magdadalang tao pa siya. Sa susunod na buwan magsisilang na siya pero lagi siyan tulala at hindi nagsasalita! "

" Maria, posible kaya... Baka kasi may nanyaring masama sa kanya noon bago siyang ikasal sa Don. Nagulat lang talaga ako dahil biglaan ang lahat! "

" Naisip mo bang may ginawang masama ang Don sa kanya? " balik na tanong ni Rosa.

" Pasensya na huh, hindi ko lang talaga maiwasan mag-alala sa kanya! " malungkotna sabi ni Maria.

"Hindi ko rin masisisi kung yung naiisip mo, kahit man ako sa nakikita ko ngayon sa kanya yun din ang iisipin ko!" halata sa mga mata nito kalungkutan.

"Maria gumagabi na baka ikay mapagalitang tatang mo, tayo na kayang umuwi!" singit ni Sylvestre.

"Oh siya kami'y hahayo na salamat sa pagtanggap sa amin huh!" paalam ni Maria sa kaibigan.

"Syempre naman kaibigan ko kayo lagi kayo tanggap dito sa bahay namin!" nakangiting sabi ni Rosa.

Rosa mag-iingat ka huh, malaya kang nakakapasok sa mansyon. Hindi natin alam kung anong totoong nanyari kay Anna!" singgit ni Sylvestre.

" Huwag kang mag-aalala sa akin kaya kong alagaan ang sarili ko!"

Mabilis tumakbo ang mga araw dumating na rin ng oras na magsisilang si Anna. Isang malusog na lalaki ang isinilang nito. Pinangalanan Joselito, pero mas lalong lumalala ang kondisyon ni Anna ni ayaw nitong mahawakan at makita man lang ang sanggol. Isang araw nagimbal ang lahat sa bayan nila ng kumalat ang balitang nagpakamatay si Anna sa pamamagitan ng pagsabit sa isang lupid na nakatali sa kisame ng silid niya sa mansyon. Sobrang ikinalungkot ito ni Maria at inalalayan naman siya ni Sylvestre. Sa tatlong araw na burol ni Anna hindi man lang nagpakita si Rosa. Sa araw ng libing nito kunti lang ang taong naghatid kay Anna. Dahil labag daw sa kagandahang asal ang ginawa ng tao. Napapailing na ang si Maria. Samantalang tahimik naman si Sylvestre sa kanyang isip ay umusal siya ng panalangin. Panalangin para sa kaluluwa ni Anna.

"Panginoon mahabagin alam kung walang puwang ang kaluluwang makasalanan sa inyong kaharian pero si Anna po ay biktima lamang ng masamang tao. Nawa'y gabayan nyo ang kaluluwa niyang makatawid sa inyong kaharian....

Four Seasons of LOVEWhere stories live. Discover now