Panganib

685 54 19
                                    

1950's

Araw ng kasal ni Rosa napakaganda nito sa simple trahe de boda suot nito. Habang inaayusan siya ng kasama niya may biglang kumatok. Inabangan ni Rosa ang dudungaw sa may pintuan.

"Rosa!" tawag ni Maria.

"Maria, halika pasok ka!" nakangiting sabi ni Rosa.

Nagpalam ang nag-aayos kay Rosa.

"Sobrang ganda mo Rosa!" nanlalaki ang mga mata ni Maria katitingin sa pagkaka-ayos nito.

"Ikaw din ang ganda mo sigurado akong mahihirapan na naman harangin ni Sylvestre ang mga lalaking makakapansin sayo!" nakangiting sabi ni Rosa.

"Oh bakit naman yun nasama sa usapan?".

Napangiti lang si Rosa sa reaksyon ni Maria.

"Bumagay sayo ang bestida na binili namin ni Jaime. Sabi ko na nga ba sa likod ng magugulong mong buhok at marungis mong mukha nagtatago ang tunay mong kagandahan!" sabay hawak ni Rosa sa mukha ni Maria.

"Ikaw naman, syempre kailangan kong mag-ayos nakakahiya naman sa mga bisita nyo ni Jaime. Ayaw ko naman masira ang kasal mo dahil hindi kagandahan ang abay mo!" nakangiting sabi ni Maria.

"Ano ka ba maganda ka at para sa akin kahit hindi ka mag-ayos maganda ka pa rin kasi napakainosente at busilak ang puso mo. Kaya dapat pag-iingatan mo ang sarili mo huh. Sa totoong mundo marami mapagsamantalang tao kaya dapat doble ingat ka din! Maaari ba kitang mayakap? " medyo namumuo na sa mata ang mga luha ni Rosa.

" Abay syempre naman! " nakangiting sabi ni Maria.

Mahigpit ang pagkakayakap ni Rosa kay Maria. Ramdam naman ang bigat ng damdamin ni Rosa. Lalo pang nagpatibay nang hinala niya nang marinig niya ang hikbi nito.

"Rosa tahan na masisira ang pagkakaayos sayo, sayang naman ang ganda-ganda mo!" kakalas na sana si Maria sa pagkakayakap nito ng maramdaman niya ang paghigpit ng yakap ni Rosa.

"Mahal kita Maria at gagawin ko ang lahat para maprotektahan ka. Basta ipangako mo sa akin iingatan mo ang sarili mo at huwag na huwag kang tutulad sa amin ni Anna. Ibigay mo ang puso mo sa totoong nagmamahal sayo yung kaya kang pasayahin at hindi ka sasaktan. Higit sa lahat dapat sa taong mahal mo din!" medyo naluluha pa si Rosa habang sinasabi niya ang mga katagang iyon.

" Ano ka ba naman Rosa masyado pang pa ako bata para sa mga bagay na iyan. Saka gusto ko pang makatulong kila nanay. Alam mo na naghihikahos lang kami! ".

Hinalikan ni Rosa sa noo si Maria at pagkatapos muling niyakap.

"Busilak ang iyong kalooban napakasuwerte ng lalaking mamahalin mo!" sambit ni Rosa.

"Ikaw din masuwerte dahil napakabait ni Jaime at malakas ang pakiramdam ko aalagaan ka niyang mabuti!".

"Masaya ka ba na kay Jaime ako magpapakasal?".

"Oo kasi alam kong kaya ka niyang mahalin ng wagas!".

"At dahil diyan sa mga sinabi magiging masaya na akong makikipag-isang dibdib kay Jaime!" nakangiting sabi ni Rosa.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~

PRESENT TIME

"Sum, are you sure na diyan na ang bagong klase mo?" tanong ni Au.

"Siguro yung ang sabi dito sa schedule ko e!" napakamot ng ulo si Sum dahil sa yamot.

"Bakit naman kasi biglang nagpalit ka ng schedule marami tuloy tayong oras na hindi nagkikita!".

"Lakas kasi ng tuyo ni noo ayun pati sched. Ko pinagtripan!".

"Sinong noo?" nagtatakang tanong ni Au.

Four Seasons of LOVEWhere stories live. Discover now