Kakabakaba

675 62 47
                                    

1950's

"Ano kamo bibisita si Don Miguel sa bahay nyo?" gulat na tanong ni Rosa.

"Oo narinig daw ni Tatay kanina sa munisipyo. Kaya nag-aalala ako para kila nanay at tatay!" nakaupo si Maria sa sala ng bahay na binili ni James para kay Rosa.

"Sige papapuntahin ko doon si inay para kahit papaano may titingin sa kanila kung sakaling may hindi maganda manyari sa bahay ninyo!" sabi ni Rosa.

"Sapalagay mo bakit kaya siya pupunta sa bahay namin? Sabi ni nanay wala naman daw siyang inutang doon at kahit si tatay walang maiisip na pwedeng dahilan kung bakit papasyal ang Don sa bahay namin!" nakangusong sabi ni Maria.

Napatingin si Rosa kay Maria sabay napailing na lang sa tanong nito. Lumapit siya sa kababata at sabay umakbay.

"Alam mo minsan hindi ko alam kung matutuwa ako sa sobrang kainusentihan mo. Maria maganda ka at malaki ang posibilidad kaya ka pinag-iinitan ng matandang iyon ay dahil gusto ka niya. Kagaya rin maraming kalalakihan dito sa atin. Marahil isa rin siya sa nabighani ng kagandahan mo!".

" Imposible iyon, kung sing ganda nyo lang ako ni Anna baka sakaling maniwala pa ako! " nakangiti ng sabi ni Maria.

Napailing na lang si Rosa sa sinabi nito.

" Bakit sapalagay mo may iba pang dapat na dahilan kung bakit ganun si Don Miguel sa inyo?".

Umiling lang si Maria sa tinanong ni Rosa.

"Si Don Miguel ang dahilan kung bakit kita pinapunta rito!".

Napatingin si Maria kay Rosa.

"Huh? Bakit? Anong merun sa kanya?" nagulat na tanong ni Maria.

"Diba kamakailan lang na halos kalakarin ka ng mga tauhan niya para dalhin sa mansyon. Nais ng Don na ikaw ang kabayaran sa utang ng nanay mo. Nais ka niyang gawin asawa kagaya ng nanyari kay Anna!" malungkot na sabi ni Rosa.

"Anong ibig mong sabihin?" naguguluhan pa rin sabi Maria.

"Totoo ang iyong hinala, pinagsamantahan ng Don si Anna noong gabing may piging sa mansyon. Dahil doon nagdala ng tao siya at wala nagawa ang magulang ni Anna kung di sumang-ayon na makasal sila!" malungkot na kwento ni Rosa.

Tumulo ang mga luha ni Maria sa narinig.

"Bakit hindi nila sinuplong ang ang matandang iyon sa kinauukulan? Ang kaibigan natin Rosa hindi man lang natin natulungan. Nagpamatay siya dahil pakiramdan niya nag-iisa lang siya!" umiiyak na sabi ni Maria.

"Kahit man ako nalulungkot sa sinapit ni Anna pero tapos na iyon Maria. Ang mahalaga ang kaligtasan mo, kung noon wala ako nagawa para kay Anna ngayon may magagawa ako para sayo. Ikaw ang gusto ni Don Miguel at hindi ko hahayaan ni dulo ng daliri mo mahawakan ng matandang yon! " matatatag na sabi ni Rosa.

" Sigurado ka bang ako ang isusunod niya? " may halong takot ang boses nito.

Tumango si Rosa sa tanong ni Maria at doon humagolgol si Maria. Niyakap ni Rosa si Maria at hinimas ang likod nito para kumalma.

"Anong gagawin ko? Ayaw kong madamay sila nanay at tatay ko. May mga kapatid pa ako maliliit!".

"Umalis na kayo di Maria!" sabi ni Rosa.

Humiwalay si Maria sa pagkakayakap kay Rosa.

"Saan kami pupunta? Tanging ang kinatitirikan ng kubo ang merun kami. Ang trabaho ni tatay sa munisipyo paano?" naguguluhang tanong ni Maria.

"Bibilhin ni Jaime ang lupa ninyo at ang perang makukuha ninyo pwedeng ninyong gamitin pang umpisa sa lilipatan ninyo. Basta malayo lang dito, pumunta kayo sa lugar kung saan hindi malalaman ng Don!".

Four Seasons of LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon