Damay-damay Na

697 56 40
                                    

1950's

Hindi maalis  ni Sylvestre ang tingin niya kay  habang naglalakad ito sa gitna ng daanan simbahan. Gusto man niya sana makapareha ito pero wala talagang kaperaha ang papel nito sa kasalan iyon. Totoo nga sinabi ni Rosa kakaiba ang ganda nito lalo't na ngayon naayosan ito ng maayos. Habang naglalakad ito ay gumawi ang tingin nito sa kanya sabay ngiti. Doon mas lalo bumilis ang tibok ng puso niya.

"Tama ka Rosa, nanganganib si Maria kung mananatili sila dito sa San Clemente. Sa angkin nitong ganda panigurado akong pag-iinitan ito ng Don Miguel. At kung hindi man maraming kalalakihan maaari manamantala sa kainosentihan nito. Kaya gaya ng ipimangako ko hanggang kaya ko  proprotektahan ko siya sa mga kalalakihan nais lamang lamangan at pasakitan ang dalaga. Alang-alang sa minamahal natin Rosa tutuparin ko ang pangako! "

Natapos ata ang kasal na wala siya sa sarili dahil abala siya sa pagtitig sa dalaga.

Nasa reception hall na sila ng nagkalakas loob siyang lumapit rito. Kasalukuyang ang kumukuha ito ng pagkain.

"Sayang ang ganda kung ganyan din lang kalakas kumain ang isang binibining kagaya mo!" biro ni Sylvestre.

"Uy ano ka ba Sylvestre bihira lang tayong makakain nang ganito kasasarap kaya kailangan matikman natin ito lahat !" masiglang sabi ni Maria.

"Hindi ka ba naiilang sa mga tingin nila?" sabi Sylvestre.

"Hindi, bakit naman?" patuloy pa rin sa pagsandok si Maria ng pagkain.

"Karamihan sa kalalakihan dito ay humahangga sa kagandahan mo. Paano bihira ka lang gumayak ng ganyan? !".

"Humahanga? Malabo iyan Sylvestre!" simpleng sabi nito.

"Hindi ka naniniwalang maganda ka?" kinuha ni Sylvestre ang ilang pingan ni Maria tinulungan itong dalhin sa lamesa ng mga kapatid.

"Hindi, ang maganda ay si Rosa tingnan mo nga halata sa mukha niya na napakasaya niya. Ang suwerte niya kay James sila ang magkapalad!" sabi ni Maria habang nakatingin sa bagong kasal.

"Ikaw sa palagay mo tayo ang magkapalad?" sabay pasimpleng tingin niya kay Maria.

"Hindi natin malalaman yan Sylvestre, maaring tayo at maaari din namang hindi. Sa ngayon ang importante lang naman e kung anong gusto natin sa buhay. Ako ang maiahon ang pamilya ko sa hirap at ikaw mahanap mo  ang iyong ama. Saka Sylvestre sayang talino mo, magagamit mo yan para maiahon ang iyong lolo sa hirap. Gusto mo bang mamaalam siya sa mundo nang hindi man lang nakaktikim ng kaunting ginhawa sa buhay. Malungkot mamatay na kahit sariling libingan ay proproblemahin pa!".

Sa unang pagkakataon na kita niyang nagseryuso si Maria. Ang mga salitang binitawan nito ay bahid ng katotohanan.

" Saka itong sinasabing mong ganda ay panandalian lamang, lilipas din at muling kakainisan ng mga tao. Pag-ako nagmamahal gusto magtatagal hindi katulad ng sa iba sy gusto lang na maipagmayabang ka at makuha ang mga bagay na gusto nila. Sa huli mababalewala na ang pagmamahal. Kaya ako mas gusto ko pang magmukhang isip bata, maging madungis at hindi masuklay kasi kung may darating man dapat mamahalin niya ako ng kung ano ako at kung ano lang kaya kong ibigay! " nakangiting sabi ni Maria sabay baling kay Sylvestre.

" Oh bakit ganyan ka ba makatingin sa akin! " medyo namumulang sabi ni Maria.

" Wala lang parang ngayon ko lang  kasi nkitang ganyan ka seryoso! ".

Ngumiti si Maria kay Sylvestre, mga ngiting parang ngayon lang niya nasilayan sa babae.

"Sylvestre kahit mukang akong yagit at gusgusin kahit paano alam ko naman ang nanyayari sa paligid ko!".

Four Seasons of LOVEWhere stories live. Discover now