Paglalambing At Katotohanan

596 48 16
                                    

1950's

Walang inaksaya na pagkakataon si Maria para iparamdam ang pagmamahal niya kay Sylvestre. Dalawang linggo ang nakalipas simula ng malaman ang nalalapit na pagkikita ng mag-ama. Mas lumalapit ang araw mas parang gusto niyang ilayo at itago ang binata sa katotohanan. Pero mali iyon at magawa man niya iyon alam niyang hindi iyon ikatutuwa ni Sylvestre.

"O bakit parang ang aga mo naman magising hindi pa ako nakakasalok ng pampaligo mo!" pupungas-pungas pang sabi ni Sylvestre dahil kagagaling lang nito sa tulog.

"Huwag mo na kasing pansinin ang pagising ko ng maaga nitong mga nakAraang araw. Gusto ko lang naman na ipaghanda ka ng almusal bago ako pumasok!" nakangiting sabi ni Maria.

"Mukang naghahanda ka na talagang maging misis ko!" nakangiting sabi ni Sylvestre.

"Misis agad hindi ba pwedeng bumababawi lang ako sa mga ginagawa mo sa akin. Hindi pa mo pa naman ako asawa kung pasilbihan mo ako ay para akong prinsesa!" sabi ni Maria habang pinagtitimpla niya ng kape ang kasintahan.

"Kung alam mo lang Maria gustong-gusto ko ng hatakin ang mga araw para dumating na ang pag-iisang dibdib natin!" saka umupo ito sa kumidor at nagsimulang sumandok ng pagkain.

"Kagaya rin siguro ng kung gaano ko kagustong pabagalin ang oras ng sa ganun dumating ang araw ng iyong pag-alis!" mahinang bulong ni Maria.

"Ano? May sinasabi ka ba Maria?".

"Ahh.. E.. Wala sige kumain ka ng kumain marami pang sinangag sa kawali!" sabi ni Maria.

"Siya nga pala bigla ko lang naisip kagabi, para kasing hindi mo nababanggit ang tungkol sa tatay mo. May balak ka pa bang hanapin siya? Alam mo na kasi ang sabi mo noon pag nakatapos ng kolehiyo! " tanong ni Maria.

"Gagawin ko rin yun pero dahil mas importante kung ano ang nasa harapan ko yun ang uunahin ko!".

"Kagaya ng?"

"Ikaw, yung tayo!" diretsong sagot nito.

"Paano kung dumating na siya at hinahanap ka?" .

" e di masaya makakapunta siya sa kasal natin at makakasama ko pa!" nakangiting sabi nito.

"Paano naman kung kukunin ka na niya at dadalhin sa Germany?".

"Hindi ako sasama sa kanya nang hindi kita kasama!" Diretsong sagot nito.

"Huwag ganun, sumama ka kahit hindi ako kasama. Alam ko naman matagal mo nang hinihintay ang pagkakataon na iyon!".

"Mahirap nang iwanan ka dito kasi baka masulot ka pa ng iba. Yun ngang todo bantay ako sayo may nakakalusot pa rin yan pa kayang malalayo ako sayo!" .

"Ang babaw naman nang tiwala mo sa akin pag ganun. Sapalagay mo ba pahihintulan kong ipagpalit ka sa iba?" nagkunwaring nagtampu-tampuhan si Maria kay Sylvestre.

"Irog ko sayo ay napakalaking tiwala ko pero sa iba wala. Kaya mahirap sa akin naiwan kung magkakataon!" malumanay na sagot nito.

"Ah basta ipangako mo sa akin na kung sakali dumating ang ama mo at kukunin ka niya sumama ka. Huwag kang mag-alala ako naman nandito lang handa kong hintayin ka!" sabi ni Maria.

Four Seasons of LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon