Magulong Usapan

608 53 32
                                    

1950's

"Sige Maria mauna na ako, siguro babalik na lang ako bukas!" paalam ni Macario.

Babalik ka bukas? " tanong ni Sylvestre.

"Ah oo kasi alam mo na umpisahan ko nang manuyo  kay Maria!" nakangiti ng sabi ni Macario.

"Hindi ka na-----------!"

" Sylvestre!" Sita ni Maria.

"Bakit mo ako pinipigilan?" nagtataka ng sabi ni Sylvestre.

"ako na ang magpapaliwanag sa kanya, sige na matulog ka na!" Saka tumayo si Maria para samahan sa pintuan si Macario.

Napailing na lang si Sylvestre sa sinabi ni Maria.

"Macario salamat sa pagpunta dito, alam kong may balak kang maligaw kaya lang kasi--------"

"Kasi may gusto ka nang iba" nakangiti ng sabi ni Macario.

Napatigin na lang si Maria sa lalaki.

"Huwag kang mag-alala alam ko naman iyon, ang akin lang ay gusto ko lang subukan. Baka sakaling pwedeng hindi naman kayo dalawa magkatuluyan. Kaso base sa nakikita ko mukang may unawaan naman na kayo!" napakamot na laang ito ng batok.

"Pasensya na Macario, sa totoo lang wala pa naman kaming na pag-uusapan  tungkol diyan. Pero ang totoo ay gusto ko siya kaya ayaw kitang paasahin pa. Sinasabi ko ito sayo para pwede mo ng  itigil ang pag-akyat ng ligaw sa akin!"

"Mahina pala itong Sylvestre, magkasama na kayo sa bahay pero hindi pa rin nakakaporma!" natatawa ng sabi ni Macario.

Napataas naman ng kilay si Maria sa sinabi nito.

"Anong ibig mong sabihin?".

"Uy wala akong masamang ibig sabihin doon, ang akin lang kasama ka na niya lahat pero hindi pa siya gumawa ng paraan para makuha niya ang loob mo o ang ang matamis mong oo!"  mahabang paliwanag ni Macario.

"Siguro dahil pinapahalagahan niya ang pagiging magkaibigan namin kaya siguro ganun. Pero kung ano man  merun sa amin hindi namin iyon minamadali kaya huwag kang mainip!" dinaanan na lang ni Maria sa biro ang mga sinabi niya,.

"Pero Maria sana naman ituring muna ako isa mga malalapit mong kaibigan, hindi ko man nasungkit ang matamis mong oo bilang kasintahan!" nakangiti ng sabi nito.

"Oo naman!"  nakangiti rin sagot nito.

"Pwede isa pa hirit!".

Dahil doon napataas ulit ang kilay ni  Maria.

"Abuso na yan huh!" biro ni Maria

"Huwag mo munang banggitin kay Sylvestre tungkol sa mga pinag-usapan natin ngayon!".

"Bakit naman?" tanong ni Maria.

"Wala lang gusto kong isipin niya na may karibal siya sa sayo para naman kabahan naman siya!" sagot nito.

"Parang bang pagseselos natin siya, ganun ba?".

"Oo, para matutong magmadali!" natatawa pa rin ito sa sinabi.

"Tungkol diyan pag-iisipan ko!".

"Sige mauna na ako Maria, salamat ulit!" paalam nito.

"Sige mag-iingat ka medyo madilim  na sa dadaanan mo!" paalala naman ni Maria.

Napabutong hininga si Maria habang pinagmamasdan niya  palayo si Macario. Kung tutuusin gwapo ito at halata rin naman na pursigedo sa buhay. Nang minsan nang inanyayahan ang buong pamilya nila mag hapunan sa bahay ni Ka Lito ibinibida nito ang anak. Iskolar raw ito ng bayan at wala raw silang binabayaran  para makapag-aral sa isang kilala unibersidad. Kung wala siguro siyang pagtingin kay Sylvestre baka nagustuhan niya rin ito.

Four Seasons of LOVEWhere stories live. Discover now