Katapatan At Pananalig

600 46 32
                                    

1950's

Dalawang buwan sakto nakatanggap si Maria sulat mula kay Sylvestre. Marami itong kwento tungkol sa pakikipagsapalaran nito. Masaya siya para sa minamahal kahit na  sobrang nangungulila sa kasintahan . Kagaya ng mga oras na pauwi na siya galing sa pinapasukan na trabaho.

"O nakasimangot ka na naman diyan!".

"O ako na naman ang nakita mo!" rekalamo niya kay Macario.

"Paano ikaw lang naman ang babae rito na nagkakandahabang nguso mahaba pa sa ilong mo. Hulaan ko si Sylvestre noh? Sobrang nangungulila ka na ba sa kanya?" nakangiting sabi nito.

"Aba'y sino ba hindi? alam mo naman na halos magkasama na kami nun araw-araw tapos biglang nawala!" .

"Kasalanan mo rin naman kaya mo nararanansan ang ganyang matindinding lungkot!" natatawang sabi ni Macario.

"Bakit naman?" pinaglakihan ng mata ni Maria si Macario.

"Kasi sinasama ka naman paayaw-ayaw ka pa. Minsan maarte ka rin e!" .

"Mahahati ang oras ni Sylvestre sa akin at sa ama niya kaya ako na mismo ang tumanggi sumama!" paliwanag nito.

"Pero tingnan mo naman ikaw ang apektado dito. Nangangayayat ka na halos hindi mo ginagalaw ang pagkain mo dito. Baka mapagalitan ako ni Sylvestre niyan sabihin pa nun pinabayaan kita!".

"Ano pinagsasabi mo diyan, nag-usap ba kayo ni Sylvestre bago siya umalis?".

"Parang ganun na nga at huwag kang mag-alala para hindi naman unfair sayo sinabihan ko din siya!" nakangiting sabi nito.

"At ano naman?" nakakunot noong sabi ni Maria.

"Na pagsiya pumatol sa mga puti doon wala na siyang Maria uuwian dito!"  sabay kindat nito kay Maria.

"Ikaw talaga inasar mo pa alam mo naman abot langit ang pagkaselos nun sayo!".

"Pero totoo ang sinabi ko Maria, nandito lang ako palagi. At pagsinaktan ka niya hindi ko na siya hahayaan makalapit sayo!" biglang sumeryoso si Macario.

"Macario salamat huh, alam kong tanggap mo ang naging desisyon ko pero hindi mo pa rin ako iniiwan!".

"Bukod sa mahal kita, kaibigan din naman kita. Kaya huwag kang magdrama diyan. Tara na at umuwi na tayo mg makakain ka na. Bakit ba kasi sobrang payat mo ngayon?" aya ni Macario kay Maria.

"Wala kasi akong gana kumain, alam mo yung pakiramdam na nasusuka ako sa mamantikang pagkain. Tapos itong nakaraang araw parang gusto kong kumain na inihaw na mais yung mainit init pa!" sabi ni Maria.

Agad naman napatingin si Macario kay Maria.

"Magtapat ka nga sa akin, may nanyari ba sa inyo ni Sylvestre?".

Napatingin si Maria kay Macario pero agad din nag-iwas dahil titig na titig ito sa kanya.

"Ano bang tanong yan Macario kung anu-ano ang pumapasok sa isip mo!" iwas na sagot ni Maria.

"Kailan ka ba huling dinatnan?" seryoso pa rin tanong ni Macario.

Biglang naman napaitad si Maria sa sinabi nito. Bigla niyang naalala na hindi pala siya dinatnan ng buwanan dalaw ng nakaraan buwan.

"Buntis ka ba?"

"Hindi naman siguro!" tipid na sagot ni Maria saka tumayo sa kinauupuan at inumpisahan maglakad.

Tiningnan ni Macario si Maria habang naglalakad ito paalis sa lugar kung saan sila nag-uusap. Napailing siya saka sumunod sa dalaga.

****

Four Seasons of LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon