Pagkakataon Nga Naman

734 55 66
                                    

1950's

Hindi naging madali kila Sylvestre at Maria ang buhay sa Maynila. Oo nga't may pera sila mula sa pagkakabenta ng mga lupain nila sa San Clemente. Pero ang pera ay nauubos at kailangan nilang humanap ng pagkakakitaan. Si Tata Berting naman napasok sa isang opisina bilang isang mensahero. Nag-umpisa na rin maghanap ng eskwelahan si Sylvestre lalo na't makokoluehiyo na siya. Si Nana Josefina naman ay nakakuha ng pwesto sa palengke. Si Maria sinusubukan maghanap ng pwede niyang pasukan.

"Sigurado k bang hindi ka muna matutuloy mag-aral Maria?" tanong ni Sylvestre.

Nagkasalubong sila sa may kanto ng Baranggsy kung saan sila nakatira. Sakto pauwi na si Sylvestre galing sa eskwelahan na papasukan niya. Samantalang si Maria ay galing sa isa mga ina-applyan nito.

"Magtutuloy naman pero hindi pa sa ngayon. Kailangan ko munang tulungan sila nanay at tatay hanggang hindi pa regular ang pasok ng pera sa amin. Saka ang mga kapatid ko muna ang kailangan makapag-eskwela ngayon atlis ako naka-graduate na nang highschool. Ikaw kamusta ang paghahanap ng unibersidad? " tanong ni Maria habang naglalakad sila pauwi.

"Nakakita na ako, medyo may kamahalan pero malaki nakuha kong diskwento dahil sa matataas na marka nakuha ko sa dati kong eskwelahan. Maganda rin ang oras ng pasok kaya pwede pa ako makahanap ng trabaho sa gabi!" nakangiting kwento ni Sylvestre.

"Hindi ko na itatanong kung kakayanin mo ba kasi alam ko naman kaya mong pagsabayin ang trabaho at pag-aral. Ang akin lang ay madaming magaganda sa unibersidad kaya baka masira ang pokus mo sa pag-aaral at trabaho!" malayong tingin sabi ni Maria.

Napangiting si Sylvestre sa sinabi ni Maria.

"Alam mo kahit anong ganda nila kung nakita ko na ang pinaka maganda sa paningin ko mababalewala na silang lahat sa akin!".

"Huh?! May nakita ka nang maganda?!" napahinto si Maria sa paglalakad.

"Oo dati pa kaya!" natatawang sabi ni Sylvestre.

Nagtataka si Sylvestre dahil pagtingin niya sa kanan niya ay wala na siyang kasabay. Hinanap niya si Maria at nakita niyang naiwan itong nakatayo at nakatingin sa kanya.

"Merun ka bang inililihim sa akin Sylvestre?".

"Nililihim? Ano naman?".

"Ikaw ano bang merun?" magkasalubong na kilay na tanong ni Maria.

"alam mo hindi kita maintindihan?" nagtatakang tanong ni Sylvestre.

Pero inirapan na siya ni Maria ang diretsong naglalakad ng mabilis para hindi na niya makasabay si Sylvestre.

"Uy Maria... Tingnan mo ito nag-uusap tayo ng maayos bigla mo akong iiwan!" tumakbo si Sylvestre papunta kay Maria para magkasabay silang maglakad.

Pero hindi na kumibo si Maria kahit ang daming ikinuwento si Sylvestre sa kanya.

****

"Oh Maria kanina ka pa na kasi managot diyan, baka madamay ang lasa ng niluluto mo niyan!?" puna ng nanay Josefina.

"Nay naman e, masarap pa rin ito kahit tikman nyo pa po! ".

"E bakit umaabot na ang nguso mo diyan sa takip ng kaldero?" tanong ng nanay niya.

Tumingin muna si Maria sa paligid bago ulit tumingin sa kanyang ina. Bago pa man siya magsalita nagpakawala muna siya ng malalim na hininga.

"Si Sylvestre po kasi nay e!".

"Anong problema sa sinisinta mo?" natatawang sabi na nanay niya.

"E paano po kasi naglilihim na po sa akin, mukha pong may nagugustuhan na ata siya!" lalong nalungkot ang dalaga sa sinabi nito.

Four Seasons of LOVEWhere stories live. Discover now