Lipat Bahay

691 55 41
                                    

1950's

Busy si Maria sa pagwawalis ng bakuran nang biglang tumawag sa pangalan niya.

"Maria!"

Agad naman kinabahan si Maria sa bisita.

"Mabuti naman naabutan kita dito sa bahay ninyo. Sa dalawang beses kong dumalaw rito ngayon lang kita naabutan!" sabi ni Don Miguel.

"Ahh nabanggit nga po ni Nanay ang pagdalaw ninyo dito. Maraming salamat po pala sa mga dinalang ninyong mga pagkain at regalo. Pero hindi naman po ninyo kailangan mag-abala Don Miguel!".

"Bakit naman parang ang dating sa akin ay tinatanggihan mo ang binibigay ko sayo at saka bakit dito tayo nag-uusap hindi mo man lang ba ako papasukin sa bahay ninyo?" sabi ni Don Miguel.

"Don Miguel mag-isa lang po ako ngayon nasa palengke ang sila nanay at tatay. Kaya hindi ko po kayo pwedeng papasukin!" sagot agad ni Maria.

"Ganun ba, wala naman akong gagawin masama sayo. Nirerespeto kita Maria kaya personal ako dumadalaw sa inyo para umakyat ng ligaw sayo!" nakangiting sabi nito.

"Ano po? Pasensya na po Don Miguel di hamak na malayo po edad ninyo sa akin at isa pa---------"

"Maria!" sigaw ni Sylvestre.

"Sylvestre!" nakangiting sabi ni Maria.

Lumapit si Sylvestre sa kanya at tumabi sa gilid niya.

"Don Miguel si Sylvestre po pala ang aking nobyo!" sabi ni Maria.

"Ano? Nobyo? Ang magsasaka ito? Hindi mo ba gustong gumaya sa kaibigan mong si Rosa? Nakaahon na siya kahirapan ginamit niya ang utak niya. Ikaw anong ipapakain niya sayo?!" sabay tingin ng Don kay Sylvestre.

"Mahal po ni Jaime si Rosa at alam kong mahal din siya ni Rosa. Mahal ko po si Sylvestre at alam kong pong mahal din niya ako!" tumingin si Maria kay Sylvestre.

"Hindi naman po kami nagmamadali kaya pwede pa po kaming mag-ipon!" habol pa niya.

"Sige mauuna na ako sa inyo!" tumalikod ang Don.

Pero muli itong bumalik at bumaling kay Sylvestre.

"Magsasaka iingatan mo ang iyong pag-aari baka maagaw ito sayo!" sabay tingin ng makahulugan kay Maria.

Tuluyang umalis si Don Miguel.

"Sapalagay mo ba nagbabanta siya?" tanong ni Sylvestre kay Maria.

"Di bale kung banta man iyon baka hindi na rin niya magawa. Sylvestre kami ay aalis na dito. Nakakalungkot man pero dahil sa akin kailangan namin lisanin ang lugar na ito!" matipid na ngiti ni Maria.

"Saan naman kayo lilipat?" tanong ni Sylvestre.

"Sa Maynila, may kaibigan ang tatay doon at nakakita na rin siya nang malilipatan namin. Ang daming alaala maiiwan namin dito sa San Clemente. Kasama na rin ang mga taong naging malapit sa amin. Sila Rosa, si Pen-pen at si tata Estong. Saka ikaw mamiss ko yung pangungulit ko sayo at yung mga kwento mo!" medyo naluluha pang sabi ni Maria.

"Huwag ka nang masyadong malungkot baka hindi kita matiis sumama ako sayo!" natatawang sabi ni Sylvestre.

"Ikaw talaga puro ka biro alam ko naman hindi mo kaya iwanan ang bukid ninyo. Saka nag-aaral ka pa diba. Galingan mo at pumunta ka na sa Germany hanapin mo na ang tatay mo. Tapos pagnakita mo hanapin mo ako sa Maynila dalhan mo ako ng maraming tsokolate huh! " mapait na ngiti ni Maria.

****

" Sigurado ka ba diyan sa desisyon mo Sylvestre? " makailang ulit nang tanong ni Rosa sa kababata.

Four Seasons of LOVEजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें