Ang Masayang Pamamaalam

1.3K 77 66
                                    

Maasarap magmahal lalo na kung ang minamahal mo ay mahal ka rin. Pero hindi lahat nang nagmamahal at nagmamahalan lagi masaya at happy ending. Sa totoo buhay para makuha ang tunay kaligayahan kailangan pagtrabahuan at alagaan kung hindi, mawawala ito nang paunti-unti o nang biglaan. Maswerte ang mga taong kahit mahirap nilalaban ang pagmamahalan nila. Ibig sabihin lumalaban at perehas sila nang pinaglalaban. Pero paano kung ang isa ay sumuko na o isa ay hindi pa man ay tumigil na?

O kaya ganito ang sitwasyon kaya sumuko dahil umpisa palang hindi na tama ang pinaglalaban.

Pwede rin kuntento na lang sa naranasan niyang pagmamahal mula sa taong gusto niya pero kaya niyang isakripisyo ang sariling kaligayahan para sa kapakanan ng ibang tao.

Hindi lahat nang nagmamahal at nagmamahalan nabibigyan nang pagkakataon ng isang magandang love story or happy ending. Kahit gustuhin naman nilang ipaglaban kung hindi naman sila nakatadhana para isa't-isa balewala lang din effort.

Minsan may pinanagtatagpo, magmamahalan, magiging masaya, pero maghihiwalay din para magkaroon sila nang parehas na happy ending sa magkaibang love story.

Yan ang kalakaran at lohika nang buhay. Ang tanging nakakaalam lang kung sino at ilan beses kang magmamahal bago ka makatagpo ng happy ending sa sarili mong love story ... ay ang Poong Maykapal!

*******************************************************

After eight years..

"Nasaan siya?" tanong ni Maymay kay Marco.

"Nasa balkonahe nakaupo sa tumba-tumba niya!".

"Akala ko ba masama na ang lagay niya, bakit nyo pa hinayaan nyo siya doon? Malamig pa naman!" sabi ni Maymay habang nagmamadaling umakyat sa taas.

"Maymay matigas na ang ulo niya gusto niya kung babawian na siya ng buhay nandoon siya sa lugar na iyon. Kung saan natatanaw niya nag maraming bituin!" sagot ni Marco.

"Maraming bituin? May bagyo kaya walang bituin!".

Napailing na lang si Maymay sa dahilan ng matanda at nang tumapat na siya sa bukana ng balkonahe nakita niya ang matandang nakatanaw sa langit.

"Don Yves!" sabi niya nang makalapit siya rito.

"Maria sabi ko na hindi mo ako bibiguin, sinusundo mo na ba ako?" nagkatinginan naman si Maymay at Marco sa sinabi nito.

"Don Yves si Maymay po ito!" lumuhod si Maymay sa gilid ng tumba-tumba para matanaw siya ng matanda nang malapitan.

"Maymay!!" tawag ni Don Yves sa pangalang niya "Hindi pa rin ata ako pinapatawad ng lola mo hanggang ngayon ayaw pa nila akong makasama!" reklamo nito kay Maymay.

"Pasensya na po Don Yves!".

"Alam mo ang apo kong si Edward malungkot, naalala ko ang sarili ko sa kanya noon mga panahon na hindi ko matanggap na ayaw sa akin ng lola mo!" huminto ito sandali at hinabol ang paghinga "Pero tama ka iha magkaiba kami ng apo ko iyon. Kasi siya hindi ka niya basta-basta binitawan. Gumawa siya nang paraan para kahit paano hindi ka tuluyang mawala sa buhay niya. Samantalang ako sinabi lang ni Maria itigil na namin relasyon namin sinunod ko naman sa pag-aakalang yun tama. Ni hindi ko man lang siya naipaglaban noon may pagkakataon na sana para sa aming dalawa. Naduwag ako alamin ang tungkol sa nanyari kaya hindi ako nakibalita sa loob ng sampong taon. Naduwag din ako na malaman na may ibang lalaki pang pwedeng magpaligaya sa kanya bukod sa akin. Pero sa isang banda tama rin siya, naging masaya ako a kay Claudeth kaya lang hindi ganoon kalubos ang kasiyahan ko dahil hindi ko man lang nalaman kug naging maging masaya din siya sa piling nang iba!" nahihirapan ito habang nagsasalita.

Four Seasons of LOVEWhere stories live. Discover now