Prologue

7.2K 364 24
                                    

I

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

I

Maliwanag ang kalangitan ng partikular na gabing ito dahil sa kakaunti ang mga ulap. Ang bilog na buwan ang nagsisilbing ilaw at ang kalangitan ay napapayungan ng libo-libong mga bituin na hindi nabibilang ng mga mata. At kung susuwertihan ka'y baka matiyempuhan mo pa ang munting mga bulalakaw na sumisisid paibaba.

Dito sa probinsiya, masarap at presko ang simoy ng hangin, malaya sa polusyon, at sa kaguluhan. Dito sa probinsiya, simple at tahimik ang buhay.

Callejon, Quezon Province.

Isang mahabang kalyeng lupa ang patungo ng bayan ng Callejon. Sa magkabilang bahagi nito'y malawak na mga rice fields. Makikita ang ilang mga kubo sa malayo na patay na ang mga ilaw dahil kasalukuyang natutulog na ang mga naninirahan roon. Kalaliman na kasi ng gabi, at ang tanging gising na lamang ay ang mga kuliglig. Maririnig ang kakaibang ingay nila, ang mga kaluskos at ang mahinang palo ng hangin sa sanga't dahon ng mga halaman at puno.

At sa partikular na gabing ito, maririnig ang tunog ng bakal.

Sa nasabing kalye, nakaparada sa tabi ng daan ang isang delivery jeepney na ang laman ay mga saging na galing sa karatig na bayan ng Daigdigan, kung saan ito nanggaling. Sa bigat ng karga'y nasiraan ito, at ngayon, magkatulong ang driver at kanyang pahinante na nagpapalit ng flat tire sa may bandang likuran ng sasakyan. Maingay ang tunog ng pagkakalas ng mga bakal na tornilyo pagka't kalawangin na ang mga ito at gamit ang kanyang maso, ay pinupukpok ng driver ang tire wrench para umikot.

"Ano bang higpit nito!" angal niya.

Nakatayo sa tabi ang pahinante na hawak ang kanyang lumang cellphone. "Kanina pa text ng text si Joven, nasaan na raw tayo," aniya, pagka't mukhang malalagot na naman sila sa kanilang dispatcher. "Yari," may nerbyos niyang sabi.

"Siya yayariin ko, gago siya," galit na sabi naman ng driver. "Eh siya nag-overload nito eh."

"Dapat kay Teryo 'yung iba d'yan," ani ng pahinante ukol sa mga saging. "Ang kaso, tumirik 'yung sasakyan n'ya. Hindi n'ya tuloy naikarga."

"Problema ba natin 'yon?" inis na sabi ng driver, sabay dura ng malapot na laway sa kanyang tabi. "Pweh!"

"Oo nga, bwiset eh," iling ng pahinante.

Tumingin ang pahinante sa kanilang kinalulugaran. May narinig siyang mga kaluskos sa madilim na bukirin. Wari niya'y kung hindi ito mga dagang palay ay mga ahas. Sa nerbiyos niya ay magmamadali niyang tinulungan ang driver na ilagay ang reserba. Bad trip lang ang dalawa na kung kailan malapit na sila sa bayan ay saka pa sila na-flat-an. Pinagpawisan sila nang husto nguni't natapos naman nila'ng ginagawa at nagsisakayan sa jeepney at sila'y lumarga na muli.

Kapuwa nagsindi ang dalawa ng mga sigarilyo at sabay na bumuga ng usok. Tanaw nila ang mahabang kalye na papunta ng bayan ng Callejon na naiilawan ng headlights ng jeepney. Lubak-lubak at matagtag. Ang makinang diesel ay maingay at nagiiwan ng makapal na usok ang tambutso. Isa pang reklamo ng driver at pahinante ay matagal nang hindi pinapa-overhaul ng may-ari ang makina ng jeepney, ni tune-up ay wala, kung kaya't lagi silang nasisita ng MMDA. Hindi magtatagal ay sila naman ang ititirik nito. Bukod doon, isa pang matagal na nilang nire-request ay sana naman daw ay lagyan ng car stereo o radyo ang jeepney nang sa gayon ay may kinaaaliwan sila, at panlaban na rin sa antok sa malalayo nilang biyahe.

Ang Bayang NaglahoWhere stories live. Discover now