Chapter 4: Bisita sa Dilim

3.4K 230 8
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


(I)

Pagbalik ni Andy ng opisina matapos ang paguusap nila ni Colonel Laxamana ay naging abala siya sa pagpa-follow-up sa mga leads ng ibang niyang mga kaso. Sa nawawalang babeng anak ni Mrs. Pacheco na hinala niya'y nakipagtanan sa nobyo nito base sa mga interview niya sa mga kaibigan ng dalaga at sa pina-hack niyang email messages.

Ang isa pa'y ang nawawalang mamahaling Pekingese na aso ni Mrs. Solis na ang teyorya naman niya'y ibinenta ng kanyang under-de-saya na mister bilang paghihiganti sa panlalaki nito. Hindi lamang missing persons ang mga kaso ni Andy, maging mga nawawalang hayop ay tinatanggap niya, ayun ay, if the price is right.

Nagbigay notice din siya sa iba pa niyang mga kliyente na mawawala siya ng ilang araw at i-a-update na lang ang mga ito as soon na makabalik siya.

Ang tutoo, hindi tiyak ni Andy kung gaano ang kaso ng mga nawawalang tao sa Callejon ay magtatagal. Mahigit na 500 na katao ang nawala na parang bula. Hindi pa rin makapaniwala si Andy na ito'y posible. Inilihim niya muna ang bagay na ito kina Tony, Marissa at Vic pagka't may secrecy clause ang kanyang kontrata sa military. Tingin din naman niya'y baka lang siya pagtawanan ng mga ito.

Mass Alien Abduction. Sinong may-sira sa ulo ang maniniwala roon? Ang sinabi na lamang niya sa kanila ay ang inakala niya noong una, na may nag-AWOL na sundalo at siya ang pinapahanap ng colonel. Nagkataon lamang na sa Callejon ito umano'y nagtatago.

Maagang nagsara ang Maverick Private Investigators office pagka't niyaya ni Andy ang mga kasamahan na maghapunan sa labas. Nangako siya noon na magbo-blowout kapag naresolba na ang kaso ni Mrs. Tan at wala nang ibang pagkakataon kundi bago siya bumiyahe.

Nagtungo sila sa paborito niyang restaurant na The Aristocrat at doon um-order ng chicken barbecue, pancit canton, chopseuy, at crispy pata. Ganoon na lang saya ng mga kasamahan niya, at ganadong nagsikain. Si Tony na malakas ang appetite ay naka-tatlong extra rice. Friday pa man din kung kaya't wala silang ina-alala kinabukasan. Maliban na lamang kay Andy, na malayo pa ang lalakbayin at may bagong kasong hinaharap.

Nguni't hindi siya gaanong nakakain sa kakaisip.

After ng dinner ay nauna nang namaalam sina Marissa at Vic. Niyaya pa ni Tony si Andy na magpunta ng Malate para uminom pero siya'y tinanggihan nito. At naintindihan naman niya. Kanina'y nahalata na ni Tony na tahimik lang ang kaibigan at tila walang ganang kumain. Alam niyang ang pagbabalik ni Andy sa hometown nito ang siyang dahilan. Na iniwan ni Andy ang Callejon na may poot. Nguni't hindi alam ni Tony ang buong istorya. Ang alam lang niya'y napilitan si Andy na lumisan sa utos ng kanyang ama't ina. Hanggang doon lamang ang salaysay.

"Good luck, pare," paalam ni Tony kay Andy. "Mukhang magti-trip down memory lane ka a."

"The prodigal son returns," pilit na ngiti ni Andy.

"Sana mahanap mo agad 'yung sundalo na nag-AWOL," sabi ni Tony.

"Ah...oo...sana," may pagaalinlangang sabi ni Andy.

Ang Bayang NaglahoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon