Chapter 25: Finale

2.7K 208 25
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.



"Sa loob! PASOK SA LOOB!"

Matapos ang labanan sa headquarters ay sa simbahan ng Callejon nagtungo si Andy upang magtago at mailayo ang mga UFOs. Alam niyang hindi na sasalakayin ng mga aliens ang headquarters kung wala siya roon. Sinundan siya nina Laxamana at Jang-Mi, kasamang dalawang NBI agents na sina Perez at Salazar. Makarating doon ay agad namang dumating ang tumutugis kay Andy.

Pero hindi ang mga scout ships ng aliens.

Kundi ang higante nilang Mothership.

Nakatingala sa kisame ng simbahan sina Andy, Colonel Laxamana, Jang-Mi, Agent Perez at Agent Salazar. Ramdam nila ang bilis ng kanilang mga pulso. May nginig sa kanilang mga kamay hawak kanilang mga semi-automatic rifles.

At bigla, niyanig ng malakas na ugong ang bubungan. Ang mga naka-hang na chandelier ay wumawagayway. Narinig nila ang mga pag-crack sa bubungan. Maya-maya'y napatid ang mga kable ng mga chandeliers at bumulusok paibaba ang mga ito't nawasak.

"TAKE COVER!" sigaw ni Colonel Laxamana.

Nagsiatrasan sila sa gilid ng loob ng simbahan kung saan hindi direktang nasa ilalim ng bubungan. Sina Andy, Laxamana at Jang-Mi sa isang bahagi, sina Agent Perez at Salazar sa kabila. Kumubli sila sa likuran ng mga poste na may mga santo.

Hindi pa rin sila makapaniwala sa nakita. Isang dambuhalang flying saucer na sa estima ni Andy ay halos kasing lapad ng Araneta Coliseum. Nakalutang ito mga isandaang metro sa ibabaw ng simbahan.

At may weapon ito na wala ang mga scout ships. Weapon na gumagawa ng malakas na vibration na kayang warakin ang bubong. At gawa rin ng weapon na ito, ay nagsipagbasagan naman ang mga stained glass windows sa mga pader. Nagsipagyukuan sila at hinarang kanilang mga braso para protektahan ang mga mukha. Tinamaan sina Agent Perez at Salazar ng mga nagliparang bubog.

"Perez! Salazar!" sigaw ni Laxamana.

"O...okay lang kami, sir!" sigaw pabalik ng dalawang NBI agents, bagama't may mga natamo silang mga hiwa sa braso.

"Andy! Jang-Mi!" lingon ng colonel sa kanyang kanan kung nasaan ang dalawa, dalawang poste ang layo.

"We're okay!" sigaw ni Jang-Mi.

Maya-maya'y lumakas pa ang ugong, na sa sobrang lakas ay nabiyak ang isang parte ng bubungan. Bumagsak ang mga pitak ng kahoy at yero at nagkaroon ng malaking butas sa gitna ng kisame. At mula roon ay bumulusok paibaba ang malakas na ihip ng hangin.

Nagsiliparan paakyat ng butas sa kisame ang mga gamit. Mga missalettes, mga tela, halaman at bulaklak. Hinigop sila ng hangin.

"TAKE COVER!" muling sigaw ni Laxamana. Napamura ang colonel. Hindi lang vibration weapon ang meron ang Mothership. Meron pa itong weapon na hangin na humihigop. Parang vacumm cleaner.

Ang Bayang NaglahoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon