Chapter 20: To Arms!

3K 204 3
                                    

(I)

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

(I)

Paano sila nakakalipad?
Anong gamit nilang propulsion?
Atomic power?
Anti-Gravity?
Magnetic force?
Sound waves?

Ganoon na lang ang sabog ng mga kuro-kuro't katanungan sa loob ng War Room sa headquarters ng Task Force ni Colonel Laxamana. Hindi mapakali ang mga kawani ng NBI, ng National Security, at lalong-lalo na ang mga scientists. Mas naging abala sila ngayong may karagdagang proof silang hawak, at ang proof na ito'y ang mga litrato na nakunan ng media. Witness ang field reporter na si Roberta Fuentes, kanyang photographer na si Sig, at driver ng kanilang van nang dumaan ang mga flying saucers sa may checkpoint kagabi. At kanila ngang nakunan ng litrato ang mga UFO, at dahil doon ay lumuwas ang kanilang boss, ang editor-in-chief ng pahayagang Manila Insider na si Marge Valdes upang makipag-usap sa military.

"Ito na yata ang pinakamalinaw na litrato ng isang UFO na nakita ko..." sabi ni Colonel Laxamana. Sa big-screen sa War Room, naka-paskil ang blow-up picture ng isang flying saucer kung saan kita ang detalye ng spacecraft. Kung ikukumpara sa mga exisiting photos ng mga UFOs throughout history, na kadalasan ay blurry o grainy, ang nakuhang litrato ay malinaw at focused.

"Nakatsamba, sir," ngiti ni Sig na photographer.

"Magkano kaya bibilihin 'yang mga litrato ng foreign press?" muni ni Andy. "Reuters...Associated Press..."

"They pay lots of money for this photo?" tanong ni Jang-Mi.

"Yes, of course!" sabi ni Andy. "You can also win an award."

"Photo of the Year!" bulalas ni Roberta.

"True. But the photo is not enough," diin ni Marge Valdes, at tumingin sa gawi ni Laxamana. "We need the exclusive story."

Tumango ang colonel. "Yes, as promised. We have a deal."

Kapalit ng pagdelay na mailabas ang mga litrato ay binigay ni Laxamana ang pahintulot na i-cover ng team ni Marge ang nangyayari sa Callejon, bukod sa kailangan nila ang mga litrato para pag-aralan ng mga scientists ang mga alien spacecraft—bagay na napakahalaga sa kanilang imbestigasyon.

Lalo na ngayon, matapos ang ginanap nilang séance, ay nalaman na ni Andy mula sa kanyang ama ang tungkol sa mga aliens—na ang pagpunta nila sa Earth ay dahilan ng isang malubhang karamdaman—isang epidemic kung saan hindi na nakakapagparami ang kanilang species. Bukod doon, ang rebelasyon pa na si Andy ay may alien blood, at siya ngayon ang hinahanap ng mga aliens.

"You didn't know? Wala ka ni konting hinala?" tanong ni Marge kay Andy nang magkaroon sila ng tyansa na makapagusap na sila lamang. Nagtungo sila sa Mess Hall upang magkape.

"Wala namang kakaiba sa akin simula nuong bata pa ako," sagot ni Andy. "Wala akong malay na ang ama ko pala ay isang alien. Ang alam ko lang ay may kakaiba sa kanya."

Napailing si Marge habang humigop ng kape. "Hindi pa ko maka-get-over on how unbelievable that sounds, ikaw na may alien blood," aniya. "How do you feel?"

Ang Bayang NaglahoWhere stories live. Discover now