Chapter 26: Epilogue

3.1K 249 47
                                    


(II)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(II)

Balot ng kalungkutan sina Laxamana at Jang-Mi nang lumabas sila ng simbahan. Umiiyak ang psychic habang nilalabanan naman ng colonel ang bugso ng kanyang emosyon. Nasa isipan pa rin ni Laxamana ang imahen ni Andy habang paakyat ito ng ilaw. Naaalala niyang huling sinabi nito sa kanya. Ang habilin para sa anak niyang si Pauline. At naintindihan niya kung paano dinala ni Andy ang lungkot na iyon all those years. Na sa kahuli-hulihan, it was all about Pauline.

At naalala niya ang isa pang bagay na sinabi ng kaibigan.

Deal. Anong deal iyon?

Nagkalat ang debris ng kahoy at yero sa paligid. Nagkalat ang dahon mula sa tumumbang mga puno. Kita nila ang butas na bubungan ng simbahan.

Ang Revo na kanilang sinakyan ay gumalaw sa kanyang puwesto. Naiwan pa nilang bukas ang headlights nito. At nagulat sila nang maya-maya'y biglang nag-flicker ang headlights ng sasakyan at ito'y namatay. Namatay din ang mga ilaw sa mga poste.

Ang buong bayan ng Callejon ay muling binalot ng kadiliman. Sa bayan proper, sa headquarters, sa kahabaan ng main road.

Pagkatapos ay naramdaman ng lahat ang malalim na ugong na tila nanggagaling sa lahat ng direksyon. Tila nagmumula sa likuran ng mga bundok at niyayanig ang lupa. Pakiramdam ng lahat ay para bang bumabagsak ang buong kalangitan.

Pero saglit lamang. Maya-maya lamang ay nagbalik din ang kuryente sa buong bayan.

At sumindi ring muli ang headlights ng Revo.

At mula sa loob ng van, umalingawngaw ang walkie-talkie.

"Colonel! Come in, over!"

Boses ng isang sundalo. Daliang kinuha ni Laxamana ang walkie-talkie.

"Si Laxamana ito, over."

Nanlaki ang mga mata ng colonel sa narinig, at napatingin siya kay Jang-Mi na nagtataka.

Nagmamadali silang sumakay ng van at humarurot tungo sa bayan proper—kung saan may ibinalita sa kanya ang nakausap na sundalo na may hindi kapani-paniwalang nangyayari.

Huminto sila sa checkpoint ng bayan at nakitang naroon na ang media van nina Marge at Roberta. Naroon din ang ilang sasakyan ng military at mga sundalo't pulis.

At sila'y pulos mga nakanganga. Nakatuon ang tingin sa may checkpoint.

Nang bumaba sina Laxamana at Jang-Mi at lumakad tungo sa checkpoint, sila man ay napanganga rin. Hindi sila makapaniwala sa nakikita.

Daan-daang tao—ang mga nawawalang residente ng Callejon ay naglalakad sa kalsada papasok ng checkpoint, papasok sa bayan ng Callejon. Para isang prusisyon. Lalaki, babae, bata, matanda. Mga may kargang sanggol. Suot nila'y damit na huli nilang isinuot bago sila naglaho. Sa mukha nila ang pagtataka. Walang mga ala-ala.

Ang Bayang NaglahoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon