Chapter 6: Callejon

3.3K 237 9
                                    

(I)

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

(I)

Nang makarating sa bayan ng Callejon, hindi makapaniwala sina Andy at Jang-Mi sa nakita...o sa hindi nakita. Nagmistulang isang ghost town ito. Wala ni isang mamamayan. Wala ni isang kaluluwa.

Tanawin ang mga naiwang bukas na mga bintana ng bahay, mga hinahangin na kurtina. Mga damit sa alambreng sampayan na natuyo na. Mga bakuran na naiwanan sa kalagitnaan ng pagwawalis at pagsusunog ng basura.

Dinaanan ng sinasakyang Revo nila Andy ang plasa kung saan nagkalat ang mga tuyong dahon. Tanaw mula roon ang barangay hall, ang himpilan ng pulisya at iba pang mababang mga gusali, na dati'y matao ngayo'y tahimik tulad ng mga ulap sa langit.

Sa kalsada ay mga inabandonang kotseng bukas pa ang mga bintana at pintuan; Mga pampasaherong jeepney na nakahambalang; Mga truck na bukas ang hood; Mga tricycle na nakapila sa pampublikong sakayan na walang mga driver.

Walang matatagpuan na nilalang saan ka man magtungo.

Sa mga sari-sari-store, palengke, bigasan, karinderya, at bakery.

Sa mga barberya, beauty parlor, bilyaran, sanglaan, at repair shops.

Pagkalampas ng plasa at ilang kilometro sa pahabang kalye ay nadaanan nila ang simbahan ng Callejon na nakatirik sa mataas na lupain. Tulad ng sa plasa, nagkalat din dito ang mga tuyong dahon na hindi nawawalis. Nang matanaw nina Andy at Jang-Mi ang simbahan ay may naramdaman silang kakaiba—na tila ba hinahatak sila nito papaloob.

Sa gilid ng simbahan ay may napansin si Andy na gumalaw. Hinabol niya ng tingin at nakita ang ligaw na aso na pagala-gala. At kanya agad na itinuro iyon sa mga kasama.

"Wala na kasing amo niya, sir, wala nang nagpapakain," komento ni Esguerra. "Kaya naghahanap ng pagkain kung saan-saan."

"Poor dog," may awang sabi ni Jang-Mi.

Tama naman sila, pero ang punto ni Andy na kanyang na-realize ay na hindi damay ang mga hayop sa alien abduction. And by instinct, ay naghanap pa siya ng ibang hayop sa paligid. Sa kawad ng kuryente ay natanaw niya ang mga nakadapong ibon. Sa kabila ng kalsada ay may isang kalabaw.

Sinabi ni Esguerra na bagama't naririyan ang mga hayop, ay hula nila na may ilan din sa mga ito ang nawawala. At may ilan din silang nakitang bangkay ng hayop na mahiwaga ang pagkakamatay. Ang tinyente mismo ay may natagpuan daw na bangkay ng baka na buka ang tiyan at nawawala ang mga laman loob. May isa pa na hati ang katawan at nawawala ang kalahati.

"Animal mutilations. 'Yun ang tawag ng mga scientist," sabi ni Esguerra.

"May kinalaman din sa alien abduction?" tanong ni Andy.

"Yes, sir."

Nagpatuloy ang Revo lampas ng simbahan tungo sa daan na paahon, paakyat ng burol, at sa mataas na lugar kung saan naroon ang isang malaking bahay. Isang dalawang palapag na resort house na ngayo'y ginawang himpilan ng militar. Ang headquarters ng task force ni Colonel Laxamana.

Ang Bayang NaglahoWhere stories live. Discover now