Chapter 9: Ang Simenteryo

2.9K 228 15
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Maputik ang lupa mula sa back entrance ng simbahan tungo ng simenteryo, at ilan sa kanila'y nalubog at nadumihan ang mga suot na sapatos. Inis na umiling si Colonel Laxamana sapagka't kakashine lang ng bota niya. Sa Silangan, gumagapang na ang liwanag ng araw at ang tuyong tangkay ng mga puno ay gumagawa ng matutulis na anino sa lupa.

"Doon..." turo ni Lieutenant Esguerra sa harapan nila.

Tinumbok nila ang bakal na gate ng simenteryo. Nakaawang ito't kinakalawang. Isang hilera silang pumasok hanggang sa makarating sa mga puntod. Bakbak na ang mga krus at karamihan ay hindi na mabasa ang pangalan ng mga yumao na nakaukit sa simento't marmol na lapida. Tulad ng sa litrato na nakita ni Andy, may hukay sa lupa ang ilang mga puntod. Ang umano'y grave robbings.

"Malamang na nangyari ito kasabay ng abduction," muni ni Andy habang sumilip sa hukay.

"Maaari. Pero, wala kaming nakitang mga pala," sabi ni Esguerra.

Si Colonel Laxamana'y nagsindi ng kanyang sigarilyo.

"Ang tanong ay bakit?" aniya. "Ano ang dahilan para nakawin ang mga bangkay?"

Inikutan nila ng tingin ang paligid, naghahanap ng maaaring kasagutan sa grave robbings na ito. May partikular na puntod ang gustong matukoy ni Andy—at ito'y ng kanyang ama at ina. Pero sa tagal niyang hindi nakabalik sa Callejon ay tila tinamaan siya ng limot.

"Hindi lang mga buhay ang nawawala," iling ni Esguerra. "Pati pa mga patay."

"This is so sad," sabi ni Jang-Mi.

Bumalik ang atensyon ni Andy sa katapat nilang hukay nang marinig ang tinyente. Naupo siya sa kanyang hita at pinagmasdang mabuti ang hukay. Nag-iisip. Pinag-aaralan ang mga ebidensya. Dumampot pa siya ng kapirasong lupa at dinama sa kanyang mga kamay.

"Hindi sila ninakaw," sabi ni Andy sa pagtataka ng mga naroon.

"Anong ibig mong sabihin?" tingin ni Laxamana habang bumuga ng usok. "Hindi ninakaw ang mga bangkay?"

"Oo, Greg," tango ni Andy sa colonel at tinuro ang mga hukay. "Tignan mo, kung hinukay ito mula sa labas, dapat ay may tambak ng lupa sa isang tabi, 'di ba?"

Nagsilapitan ang iba. Oo nga, anila sa sarili.

"Pero, ito, tignan n'yo, pantay ang distribusyon ng lupa sa paligid ng hukay," patuloy ni Andy. "Na para bang..."

"Parang ano?" mulat ang mga matang tanong ni Laxamana.

"Na parang sa loob nanggaling ang hukay," sabi ni Andy.

Napaindak ang mga kasama niya.

"Ibig n'yong sabihin, sir, ang hukay ay nagmula sa loob?" nagtatakang tanong ni Esguerra.

Tumango si Andy.

"Paano naman nangyari iyon?" kunot-noo ni Laxamana, na tina-translate kay Jang-Mi ang nangyayari. Nagtatakang tumatango ang Koreana.

"At least, sir, nasagot 'yung tanong na kung bakit walang nakitang mga pala," sarkastikong sabi ni Esguerra.

"Wala talagang pala..." sabi ni Andy. "Dahil gumapang sila palabas."

Napabuga ng usok ang colonel.

"Gumapang palabas? Sino? Ang mga bangkay?" kanyang bulalas. "Pare naman, don't tell me hindi lang aliens ang problema natin. Kundi zombies pa!"

"Zombies!" gulat na ulit ni Jang-Mi.

Tinuro ni Andy ang hukay sa lupa. "Tignan n'yo ang butas. Alam n'yong tama ako."

Hindi alam ni Laxamana ang ire-react. Mahirap paniwalaan, pero may punto naman si Andy. Ang hitsura nga ng hukay ay parang nagmula sa loob, halintulad ng hukay na ginagawa ng mga talangka sa buhangin, mas malaki lamang ito. Life-size. At sa lublob ng colonel, sa nangyayari ngayon, ang mass disappearance, ang alien abduction, ay ano pa nga bang ipagtataka niya?

"Okay ka na ba, pare?" tanong ng colonel kay Andy. "Are we done here?"

Tumango si Andy.

"Mabuti pa bumalik na tayo," buntong-hininga ni Laxamana at bumaling kay Esguerra. "Tinyente, ilagay mo lahat ito sa report."

"Yes, sir."

Nagsimula silang lumakad paalis sa pangunguna ng dalawang military, pabalik tungo sa gate. Nang makailang hakbang ay namalik-mata si Andy at natigilan sa paglalakad. Sa may malayong puno ay may natanaw siyang tao na nakatayo roon at nakatingin sa kanya.

Namutla si Andy pagka't ang tao'y walang iba kundi ang kanyang yumaong ina. Suot nito'y kulay puti na damit. Nakatingin ito kay Andy ng mga matang dilat na dilat at hindi kumukurap. Napapikit si Andy at nang muli siyang dumilat ay naglaho na ang aparisyon.

Natulala si Andy, iniisip kung tutoo ba ang nakita niya. Nang tignan niyang kanyang braso'y nagtayuan ang kanyang mga balahibo.

Halos mapatalon siya sa gulat nang may kamay na humawak sa kanyang braso.

"Are you alright?"

Si Jang-Mi.

"Y-yes," nauutal na tango ni Andy.

Malayo na ang nalakad nina Laxamana at Esguerra at lumingon ang mga ito at sumigaw.

"Andy! Jang-Mi!"

Nagkatinginan sina Andy at Jang-Mi na tila kapuwa naghihintay sa isa't-isa na may sasabihin. Narinig muli nila na tinawag sila at sila'y nagsimulang maglakad paalis.

Mabilis pa rin angpintig ng puso ni Andy sa naranasan. Naalala niya ang kanyang panaginip atsiya'y nanginig—pagka't kung ano iyong hitsura ng nakita niyang aparisyon aysiya ring hitsura ng ina niya sa kanyang panaginip. Ang puting kasuotan nakanyang na-realize ay siyang ipinamburol ng kanyang ina.


NEXT CHAPTER: "Mga Bolang Ilaw sa Gabi"

Ang Bayang NaglahoWhere stories live. Discover now