Chapter 10: Mga Bolang Ilaw sa Gabi

3.2K 233 8
                                    

(I)

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

(I)

Hindi pa rin makapaniwala sina Andy, Colonel Laxamana, Lieutenant Esguerra at Jang-Mi sa natagpuan nila sa simenteryo sa simbahan. Sa pag-imbestiga ng mga hukay na ang hinala nila noong una'y grave robbings ay lumalabas na ang hukay pala'y nanggaling sa loob. Ayon kay Andy, tila ang mga bangkay mismo ang gumapang papalabas ng hukay. Habang binabaybay ng sinasakyan nilang Revo ang daan pabalik ng headquarters, ang bukang bibig nila'y...

Zombies!

Mga patay na nabuhay. Hindi sila makapaniwala, pero iyon ang sinasabi ng mga ebidensya.

"Lintik! Una aliens ngayon naman, zombies!" bulalas ni Laxamana. "Magreretiro na lang ako!"

"Kaya ko pang maniwala sa mga aliens, o multo o aswang, pero sa zombies?" iling ni Esguerra.

Tama din ang tinyente, muni ni Andy. Mas madaling paniwalaan ang mga UFOs dahil may scientific explanation, documented sightings, eyewitness testimonies at polygraphed tests ng mga abducetees. Pero zombies? Ang whole idea ng flesh-eating zombies ay isang myth. Ang zombies ay sa TV o sa pelikula lang nangyayari.

"Zombies!" ulit ni Jang-Mi.

"'Wag muna tayong ma-carried away, okay?" Matigas na sabi ni Laxamana. "Bago nating sabihing zombies ay pag-aralan muna natin..."

"Sir, kayo ang nagsabing zombies," paalala ni Esguerra.

Napaisip ang colonel at na-realize na siya nga.

"Zombies!" bulalas muli ni Jang-Mi

"I-it's just a theory, Jang-Mi, okay?" paghinahon ng colonel sa Koreana. "For now."

Dinaanan muli nila ang malawak na parang kung saan nakatirik ang mga tents ng scientists na pinag-aaralan naman ang mga animal mutilations. Hindi kinaya ni Jang-Mi ang natagpuan nila roon—isang baka na hati sa gitna sa paraan na hindi kapani-paniwala.

Makarating sa headquarters, sinalubong sila ni Corporal Diazon na may mahalagang balita. Nagmamadali silang nagtungo sa War Room at nagkumpulan sa harapan ng malaking TV screen kung saan ipinalabas ni Diazon ang isang video na nasa Youtube, habang nagsilapitan naman ang ibang miyembro ng task force upang makinood.

"Kakapost lang nito, sir, mga two hours ago," ulat ng corporal. "Kuha ng mga mountaineers mula sa taas ng Mount Banahaw."

Sa Youtube, ang title ng video ay UFOs near Mt. Banahaw at may 2,489 hits na agad ito. Ang video ay kuha mula sa isang cellphone sa kalagitnaan ng gabi at makikita ang anim na maliliwanag na mga bolang ilaw na lumilipad. Mga UFOs. Mataas ang kinalulugaran ng mga mountaineers, at ang nakikita nila sa baba ay ang bayan ng Callejon kung saan papunta ang mga UFOs. Medyo shaky ang pagkakahawak ng cellphone. Dinig ang mga manghang boses ng mga mountaineers. Lalo na nang magsipagpatayan ang kuryente sa bayan ng Callejon at ito'y nabalot sa kadiliman, na maya-maya'y sinundan naman ng matinding liwanag na nakasisilaw.

Ang Bayang NaglahoWhere stories live. Discover now