Chapter 22: Bala at Ilaw

2.5K 188 20
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.



(I)

Narinig ang unang putok ng baril pasado alas-Diyes ng gabi.

Kasunod ang sunod-sunod na ratratan.

Nagkandaripas ng takbo paloob ng gusali ang ibang mga scientists na hindi na-abduct, habang nagsipagyukuan sa kanilang kublihan sina Andy, Jang-Mi, Marge, Roberta at Sig, na takot ma'y hindi tumigil sa pagkuha ng litrato at video footage.

Pinagbabaril ng mga sundalo't pulis ang nakalutang na mga UFO scout ships.

Nguni't walang epekto ang kanilang mga bala.

Habang patuloy naman na tumatangay ng mga sundalo at pulis ang mga UFOs gamit ang kanilang weapon na tractor beam.

"FIRE! FIRE AT WILL!" sigaw ni Colonel Laxamana.

Maririnig ang hiyaw ng mga sundalo habang tinangay sila ng mga UFOs.

"Inside, we must go inside!" sigaw ni Jang-Mi. Nauna nang pumasok ang mag-inang sina Marge at Roberta, habang naiwan pa si Sig na kumukuha ng video.

"Sa loob! Pumasok kayo sa loob!" sigaw ng photographer kina Andy at Jang-Mi.

Hindi alam ni Andy ang gagawin. Hindi niya maiwan sina Laxamana, Esguerra at ang iba pa na nakikipaglaban sa mga UFOs. Sina Agent Perez at ang mga NBI, sina Private Torres at iba pang mga sentry na sunod-sunod na nagpapaputok. Gustong lumaban ni Andy, pero alam niyang kapag nagpakita siya ay tiyak na mahuhugot siya ng ilaw.

Ilang mga sundalo at pulis pa ang na-abduct ng UFOs. May mga nagtago sa gilid ng mga puno para hindi matangay ng ilaw. Sina Laxamana at Esguerra nama'y kumubli sa likuran ng isang naka-park na Revo. Pero kahit anong paputok nila'y walang bisa ang mga bala sa armor ng mga flying saucers.

"Tagilid tayo!" sabi ni Esguerra habang nagpapalit ng magazine ng baril.

"'Yung rocket launcher," sabi ng colonel. "Tignan natin tibay ng armor ng mga hinayupak na UFO na ito."

Tumango si Esguerra pagkatapos ay sumenyas kina Private Torres at isa pang sundalo na nasa may gilid ng gusali. Alam na nila ang gagawin. Binuksan ni Torres ang malaking kuwadradong hard case at mula sa loob ay kinuha ang rocket launcher. Isang Russian-made na RPG-7 na karaniwang gamit bilang anti-tank weapon. Ipinatong niya ito sa kanyang balikat tulad ng isang bazooka habang pinasakan ng isa pang sundalo ng rocket. Binigay ni Esguerra ang go-signal.

Lumabas ng kublihan si Torres at inumang ang rocket launcher sa pinakamalapit na UFO scout ship. Sumilip siya sa scope at nang makita ang target ay pinakawalan ang rocket. Lumipad ang rocket at tumama sa nakalutang na UFO. Sumabog ang warhead at kita nilang nayanig ito.

"Tinablan ang hayup!" sigaw ni Esguerra.

Nakunan ng camera ni Sig ang pangyayari.

"Look!" turo ni Jang-Mi. Kita nila ni Andy na lumipad paalis ang tinamaang UFO scout ship.

Ang Bayang NaglahoWhere stories live. Discover now