Chapter 24: Aftermath

2.6K 186 10
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


(I)

Nagkalat ang mga basyo ng bala sa lupa.

Ang amoy ng usok ng baril sa hangin.

Sa pandinig ni Colonel Laxamana, ay nag-e-echo pa ang mga hiyawan ng mga sundalo't pulis. Sa kanyang mga mata'y sariwa pa ang gunita nila habang sila'y lumilipad sa ere, tangay ng ilaw ng tractor beams ng mga UFOs.

Matapos ang labanan, naiwang nakatayo ang colonel sa gitna ng battlefield. Tulala.

Hindi siya makapaniwala. Hindi niya matanggap ang sinapit nila.

Akala niya'y may laban sila. Pero, wala silang nagawa.

Nang muling sumalakay sa headquarters ang mga UFOs, ay walang nagawa ang kanilang mga machine guns, mortars, at rocket launchers. Walang nagawa ang kanilang Armored Personnel Carriers at ang Sabra tank nang mula sa ibabaw ay lumitaw ang mga UFOs at nagpakawala ng malakas na ugong. Ang dalawang APCs at tangke ay nawalan ng power. Kanilang fire control system at computers ay hindi nila magamit. Nang mangyari iyon, naging sitting ducks ang puwersa ng task force at isa-isa silang tinangay ng tractor beam.

Ang aftermath, maraming mga sundalo at pulis ang na-abduct. Sa animnapung dumating na reinforcements, tatlumpu't anim ang nawala.

Mapalad lang na nakaligtas si Laxamana at ito'y sa tulong ni Lieutenant Esguerra na siya namang natangay ng aliens. At hindi rin alam ng colonel ang sasapitin ng kaibigang si Andy, na upang matigil ang pagkalagas ng mga tao ay isinapalaran ang sarili at sumakay sa isang van at nilisan ang headquarters upang mailayo ang mga flying saucers.

Ang task force ay isang kabiguan. Isang disastrous failure of epic proportions.

"Colonel! COLONEL!" sigaw ng boses.

Lumabas mula sa gusali ng headquarters si Jang-Mi, kasunod sina Marge, Roberta, at iba pang mga civilians.

"Where is Andy?" tanong ni Jang-Mi. "WHERE IS ANDY?!"

Hindi agad nakasagot si Laxamana. Nang makaya niyang ibuka ang kanyang bibig ay nanginginig niyang inilarawan ang nangyari.

"Greg, saan nagpunta si Andy?" tanong ni Marge.

"H...hindi ko alam," nauutal na sabi ni Laxamana.

"We must find Andy!" sabi ni Jang-Mi. "WE MUST FIND ANDY!"

"I heard you, Jang-Mi! I HEARD YOU!" sigaw ng colonel.

Nasindak si Jang-Mi at napaatras.

Sa paligid, ang mga sundalo at pulis na nakaligtas ay puro mga tulala at may bahid pa ng takot sa kanilang naranasan. Ang iba'y lumuluha sa pagkawala ng kanilang mga kasamahan. Nagkalat ang mga baril nilang naiwan sa lupa, ni wala silang mga lakas para pulutin ang mga ito.

Nakita ni Laxamana na naubusan na ng morale ang lahat, kung kaya't pinulong niya ang natitirang mga miyembro ng task force. Sinabi niyang hindi iyon ang panahon para mawalan ng pag-asa. Kailangan nila ng karagdagang lakas ng loob. Na hindi pa tapos ang laban. Na kailangan pa nilang maging handa. Na naririyan pa ang mga aliens, at maaring magbalik.

Ang Bayang NaglahoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon