Chapter 14: Mga Ala-ala ni Andy

2.8K 216 7
                                    

(I)

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

(I)

"Natatandaan mo pa ba kung saan?" tanong ni Colonel Laxamana.

"Paano ko makakalimutan?" ang sagot ni Andy.

Binabaybay ng Revo ang malubak na daan na tila malayo na sa bayan proper. Ang lugar ay napapaligiran ng malagong mga puno at ang mga bahay ay kakaunti at malalayo ang laktaw. Palingon-lingon si Andy, naghahanap ng mga palatandaan ng lumipas. Ang kalye na kanilang dinadaanan ay siya ring ruta niya noon papunta ng bayan, at kapag siya'y papasok ng eskuwelahan. Natatandaan niya ang mahabang kahoy na bakod na may barbed wire. Ang kinakalawang na water tank. Ang higanteng kamalig. Ang sapa ng mga kalabaw. Ang lahat ng mga ito'y gumagapang pabalik sa kanyang mga ala-ala.

Kasama ni Andy sina Jang-Mi at Laxamana na siyang nagmamaneho rin ng sinasakyan nilang Revo. Pakiramdam kasi ng colonel na sensitibo ang sadya nila sa dating bahay ni Andy sa bukid kung kaya't minarapat nilang sila na lamang muna na tatlo. Abala rin naman si Lieutenant Esguerra sa mga gawain sa HQ bagama't ipinaalam naman sa kanya ang pakay nila.

"Walang masyadong nagbago sa lugar na ito," sabi ni Andy habang nagbabalik-tanaw. Tinuro niya ang malaking puno ng niyog. "Ikanan mo d'yan, pare."

Pinihit ng liko ni Laxamana ang Revo at ang pinasukan nila'y daan na zumizigzag sa mga puno ng niyog na tila parami nang parami habang sila'y pausad. Pazigzag-zigzag hanggang sa malampasan nila ang gubat ng mga punong niyog at makarating sa malawak na mga palayan. Palayan na tulad ng sa panaginip ni Andy. Dire-diretso ang Revo sa malubak na daan hanggang sa matumbok nila ang isang bahay na may kahoy na bakod na tila nag-iisa sa malawak na lugar.

Ito ang bahay noon ni Andy.

Maliban sa pintura, halos hindi nagbago ang bahay sa huling ala-alang naiwan sa kanyang isipan noong lisanin niya ang bayang ito.

Pumarada ang Revo at nagbabaan sila.

"Andy, is this your house?" tingin ni Jang-Mi sa paligid.

"Yes. Before. A long time ago," sabi ni Andy. "But not anymore."

Naibenta na ni Andy ang kanilang bahay at ang lupain na sakop nito matapos siyang maulila. Ang nakabili ay taga-Callejon din, na tulad ng kanyang mga magulang, ay mga magsasaka. Kasama rin sila sa mga nawawala, sa mga na-abduct ng aliens.

Tahimik ang paligid, maliban sa naulila ring mga manok na nagsiputakan nang dumating sila. Sa may gilid, hinahangin ang mga sinampay na naiwan, ilang mga damit ang nahulog na sa lupa. Bukas ang bakod ng bahay at pinatuloy nila'ng mga sarili. Bukas din ang mga bintana at sa loob kita nilang walang tao. Bukas ang doorknob nang subukan ni Colonel Laxamana at pinauna niyang pumasok si Andy kasunod ni Jang-Mi.

Sa loob, nag-iba ang kasangkapan pero ang simentong pader na walang pintura ay iyon pa rin. May gunita na sumalubong kay Andy pagpasok niya. Naalala kung ilang libong beses na ba siyang pumasok sa bahay na ito. Ilang mga tag-araw na ba iyon? Ilang mga tag-ulan?

Ang Bayang NaglahoWhere stories live. Discover now