Chapter 11: Kabaong ng mga Muling Nabuhay

3.2K 219 19
                                    

(I)

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

(I)

Tunog ng bakal sa bakal at tilapon ng lupa't putik habang inaangat ng tow truck gamit ang chainblock ang kabaong mula sa hukay. Sa kalangitan, may matatalas na sinag ng araw ang tumatama sa simenteryo. Kakaiba ang ihip ng hangin. Pawala-wala.

Sa kahilingan ni Andy ay nagrenta ang military ng tow truck mula sa karatig na bayan ng Daigdigan para hukayin ang kabaong ng labing siyam na katao—na ang mga bangkay ay nawawala—umano'y mga zombies na gumapang mula sa sarili nilang mga hukay.

Kasama ni Andy si Lieutenant Esguerra at anim pang mga sundalo na pawisan na sa paghuhukay gamit ang mga pala at piko. Ngayo'y kanilang ibinababa ang kabaong para itabi sa isa pang kabaong na nahukay na nila.

"Okay, alalay lang!" sigaw ni Esguerra. "Dahan-dahan!"

Nagtabi ang dalawang kabaong na kapuwa sarado pa ang mga takip. Tumayo sa tapat nito sina Andy at Esguerra.

"Sir, sigurado kayo dito?" tanong ng tinyente.

"O-oo," sagot ni Andy.

Hindi agad nakasagot si Andy, nakatitig sa lapida ng mga kabaong na kanilang hinukay kung saan nakasulat ang mga sumusunod:

FRANCISCO MADRID. Born January 30, 1930. Died December 7, 1989.

ROSARIO MADRID. Born March 4, 1931. Died July 13, 2006.

Ang nasabing mga kabaong ay sa ama't ina ni Andy.

Sumenyas ang tinyente sa mga sundalo.

"O, ano pang hinihintay n'yo? Buksan n'yo na!"

Nakaramdam ng kaba si Andy nang sinimulang buksan ang mga kabaong. Hindi pa niya ganap na natatanggap na kasama ang nanay at tatay niya sa kaso ng mga nawawalang mga bangkay.

Binuksan ang unang kabaong.

At nakita nilang wala itong laman.

Hindi ito ipinagtaka ni Andy. Ini-expect na niya ito.

"O itong isa naman," utos ni Esguerra.

Nang mabuksan ang ikalawang kabaong ay sabay-sabay silang napaatras. Sa loob ay may kalansay na ang kasuotan ay kulay puti.

"Sino ito, sir?" pagsilip ni Esguerra.

Taimtim na nakatingin si Andy. Pinipigilan ang bugso ng emosyon.

"Nanay ko," ang kanyang sagot.

Kahapon lamang ay nagpakita kay Andy ang multo ng kanyang ina sa nasabing simenteryo, ngayo'y ang kalansay naman nito ang kanyang pinagmamasdan. Nanumbalik kay Andy ang ala-ala ng kanyang yumaong ina. Ang mukha nito, ang boses...ang amoy...

Hinukay nila ang iba pang mga puntod. Ang dalawa sa kasunod ay pawang sa mag-asawa, at tulad ng sa kanina:

"Tama kayo, sir, nawawala ang bangkay ng lalaki habang naiwan ang sa babae," usal ni Lieutenant Esguerra.

Ang Bayang NaglahoWhere stories live. Discover now